^

Punto Mo

‘Mistaken Identity’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MARAMI sa mga nakakulong o bilanggo ay inosente.

Pinagbabayaran ang krimen na hindi nila ginawa dahil lamang sa maling pagkakaaresto, maling taong naaresto at napagbintangan.

Sila ang mga tinatawag na napagkamalian at pinaghinalaan dahil sa mahinang imbestigasyon o ang tinatawag na mistaken identity.

Nagdurusa sa loob ng bilangguan dahil sa kapalpakan, kapolpolan at kaburaraan ng mga awtoridad.

Dagdag pa rito ang mga sangkaterbang piskal na utak dilis at utak bulateng humawak at hindi pinag-aralang mabuti ang kaso.

Kung talagang sisilipin ang laman ng bawat selda ng National Bilibid Prison, mga city jail, provincial jail at maliliit na presinto, makikita kung sino ang mga wrongfully accused, wrongfully arrested na humahantong sa wrongful conviction.

Karamihan sa kanila mga mahihirap. Salat sa pera at pangangailangan. Walang pampiyansa. Walang pambayad sa abogado.

Ang resulta, tumatagal ang kaso dahil wala siyang representanteng tumatayo sa korte.

Pagkalipas ng ilang taon o dekadang pagdurusa sa “loob” saka lang sasabihin ng mga awtoridad na nagkamali sila. Mali ang naaresto at ikinulong nilang tao.

Hindi na ito bago sa BITAG. Marami nang nahawakang kaso ng mistaken identity ang aming­ grupo.

Ano nga ba ang pakiramdam ng isang taong naaresto ng walang kasalanan, napagbintangan at pinaghinalaan lang?

Panoorin ang advance screening ng “Mistaken Identity” mamayang alas-8:00 ng gabi. Log on, bitagtheoriginal.com click BITAG.

ANO

DAGDAG

KARAMIHAN

MARAMI

MISTAKEN IDENTITY

NAGDURUSA

NATIONAL BILIBID PRISON

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with