Uok (64)
INALALAYAN nina Drew at Gab si Basil para makasakay ng taksi. Maputla pa rin si Basil at parang nauÂupos. Alalang-alala si Gab sa nangyayari sa kanyang daddy. Mula nang ma-stroke ito ay nagkaroon na siya ng phobia sa tuwing may kakaibang nararamdaman sa katawan. Lagi niyang naiisip na baka bigla siyang iwan ng kanyang daddy.
“Okey ka lang Daddy? Magsabi ka ng nararamdaman Daddy. Itaas mo kanang kamay mo kapag mayroon kang saÂsabihin,†sabi ni Gab nang nasa loob na ng taksi.
Tumango lang si Basil.
Mabilis na umalis ang taksi nilang sinasakyan. Wala pang 15 minutos ay nasa ospital na sila. Mabilis na dinala sa emergency room si Basil. Agad dinaluhan ng mga doctor. Kinabitan ng oxygen. Tinanong si Gab ng attending doctor. Sinabi ni Gab ang mga nangyari sa ama. Sinabi rin niya na dati itong stroke patient.
Kinunan ng blood pressure. Inobserbahan.
“Ano pong lagay ng daddy ko Doctor?†tanong ni Gab na nag-aalala pa rin.
“Medyo tumaas ang blood pressure pero hindi dapat ika-worry. Baka na-stressed lang. Nagalit ba siya o kaya’y napagod kaya tumaas ang BP?â€
“Hindi po. Natulog lang po at paggising, e dumaing na masakit daw ang kanang braso at hindi maihawak ang kamay. Lagi po niyang nirereklampo na mahina ang paghawak niya sa isang bagayÂ. Nabibitawan po niya ang hawak na tasa o pinggan.’’
“Umiinom ba siya ng maintenance medicine?â€
“Opo.’’
“Siguro kailangang palitan na ang kanyang gamot. Pero wala kang dapat ipag-alala sa daddy mo. He’s okay. Payo ko, mas mabuti kung i-confine muna siya para maobserbahan nang ayos. Okey?â€
“Salamat po, Dok.â€
Kumuha ng room si Gab. Hindi siya iniwan ni Drew.
“Kakahiya sa’yo Drew.â€
“Okey lang. No problem, Gab.’’
“Makakaganti rin ako sa’yo.’’
“Huwag mong intindihin yun.’’
“Dati wala kang problema, ngayon kasama ka na sa problema ko.’’
“Okey lang. Gusto ko namang magkaroon ng problema.’’
“Ako, matagal nang nakaranas nang mabigat na problema. Hayaan mo at ikukuwento ko lahat sa’yo.’’
Napatingin si Drew kay Gab. Hindi halatang nagkaroon na nang maraming problema si Gab.
(Itutuloy)
- Latest