^

Punto Mo

Flesh-eating maggots nakita sa loob ng taynga ng turista; langaw ang nagdala

- Arnel Medina - Pang-masa

NAGBAKASYON sa Peru si Rochelle Harris, 27, kasama ang kanyang asawa. Naging masaya ang kanilang pagbabakasyom sa nasabing bansa.

Subalit nang magbalik sila sa England, nakaramdam ng kakaiba sa kanyang taynga si Rochelle. May naririnig siyang tila kumakahig sa loob ng kanyang taynga. Kasunod niyon ay ang matin­ding sakit ng ulo at ang pagtulo ng likido galing sa isa niyang taynga.

Ipinasya ni Rochelle na kumunsulta sa doctor.

Inakala ng doctor na isang karaniwang ear infection ang problema ni Rochelle. Subalit nadiskubre na ang nasa loob ng taynga ni Rochelle ay mga “flesh eating maggots” o mga uod na unti-unting kumakain ng laman. Nakita ng doctor na nakagawa na ng butas sa ear canal ang maggots. Nasa walo ang maggots na nakita sa taynga ni Rochelle. Wala namang damage sa  eardrum, blood vessels at facial nerves ni Rochelle.

Isinailalim sa operasyon si Rochelle hanggang sa maalis ang walong maggots at mga itlog nito.

Ang maggots ay larvae ng la­ngaw na tinatawag na New World Screwworm Fly (Cochliomyia homi­nivorax). Nangingitlog ang langaw sa sugat ng mammals at tao. Ang babaing langaw ay nangingitlog ng 250 at napipisa sa loob ng 24 oras.

Ayon kay Rochelle, noong nasa Peru raw sila, nagdaan sila sa lugar na maraming langaw. ---www.oddee.com—

vuukle comment

AYON

COCHLIOMYIA

INAKALA

IPINASYA

ISINAILALIM

NEW WORLD SCREWWORM FLY

ROCHELLE

ROCHELLE HARRIS

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with