Carjack/carnap sunud-sunod na naman
Matindi na naman ang ginagawang pagsalakay ng mga carjacker at carnappers.
Nito lamang nakalipas na mga araw, apat na insidente ng karnap/carjack ang naganap sa lungsod Quezon sa pagitan lamang ng ilang mga oras. Sa loob naman ng isang linggo walo ang naitalang nakulimbat na sasakyan.
Sa tatlong huling magkakasunod na insidente hindi maisasantabi na posibleng isang grupo ang tumira.
Ang mga sasakyan ay pawang naka-park lamang sa harap ng bahay ng mga may-ari.
Walang pinipiling oras, kahit umaga o maliwanag pa talagang hindi napipigil sa pagtira.
Ang isang insidente naman eh puwersahang pagtangay na hindi rin kalayuan sa lugar na pinagganapan ng naunang insidente.
Ayon sa ulat, ang mga sasakyan ay kinabibilangan ng isang kulay puting 2013 Nissan Urban van na may conduction sticker na LE-4251; isang puting 1993 Honda Civic (XKZ-300); isang kulay silver na Mitsubishi Strada (TXQ-359); isang kulay itim na Mitsubishi Strada na may plakang RLY-330.
Ang dalawang Mitsubishi Strada ay parehong sa Brgy. Sacred Heart tinangay.
Hindi lang ito ang mga insidente ng carnap at carjack na naganap sa Scout area na kinabiÂbilangan ng ilang barangay maging hanggang sa Kamuning area.
Ilang insidente na rin dito ng akyat-bahay at hog-tied ang naiulat.
Labis na naaalarma ang mga residente dahil nga sa nagiging madalas ang ganitong mga insidente sa naturang lugar.
Isa sa nakikitang dahilan dito ay dahil sa maraming lusutan sa lugar. Kaya maaaring ito ang pinipili ng mga kawatan dahil sa kanilang pagtakas maraming pwedeng daanan.
Pero ang giit ng mga residente na paigtingin pa raw sana ang pagbabantay ng kapulisan sa ganitong mga estratihikong lugar na nagiÂging paborito ng mga kawatan.
Maging ang pagbabantay umano ng mga barangay, gawin na rin 24/7 at huwag sa gabi at madaling araw lamang.
Hindi na dapat papormahin pa ang mga kawatang ito, na mistulang naghahamon sa mga kinauukulan dahil sa walang takot at humpay nilang pagsalakay.
- Latest