^

Punto Mo

Mabagal na criminal justice system

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kaliwat-kanan ang insidente ng krimen. Patuloy pa sa pagtaas.

Hindi basta krimen tumitindi pa ito lalu’t ang ibang simpleng pangyayari ay naibubuwis pa ang buhay.              

Ang dating street crime na holdap--nadadamay ang buhay. 

Ang matindi pa rito rekord ng krimen nadodoktor kaya’t matindi rin ang babala  ng PNP sa kanilang mga tauhan at pinatindi pa ito. 

Sa pagdami ng krimen, siya ring pagdami ng mga kasong nakabinbin sa iba’t ibang hukuman. Natatambak, taon ang binibilang hindi pa nahahatulan.

Hindi lang naman kasi sa pag-aresto sa isang suspect natatapos ang pagkuha ng hustisya kundi hanggang sa mahatulan at madesisyunan ang kaso.

Ito  ang five pillars ng criminal justice system na kailangan maipatupad --kabilang dito ang komunidad, law enforcement, prosecution, judiciary at correctional.

Kailangan kumpleto ang sistemang ito para masabing maayos na napapairal ang hustisya.

Kapag ang isa ay pumalpak--bagsak ang sistema. 

Ayon  sa batikang abogado,  si Atty Orlando Salatandre sa law enforcement lamang may mga pulis na sila  ang dapat magpatupad ng batas eh nasusumpungan pa minsan na sila mismo ang lumalabag.

Matagal na ang ganitong problema, tulad na lang sa nsidente ng ‘Demosthenes Canete kidnaping’ sa Cavite na ang mastermind ay dating Vice Mayor ng Dasmarinas Cavite na si Victor Carungcong at isa pang suspect ay Chief Inspector Exequiel Cautiver na Training officer ng SAF ng PNP. Noon nakaraang linggo lamang ay naengkwentro ng  QC police ang huling suspect na si dating PO1 Reniel Abugado.  Lahat sila mga awtoridad.

Pagdating naman sa Judiciary , maraming matagal nang nakabimbing kaso sa mga korte. Ang ibang kaso ay santambak ang malalakas na ebidensiya -- umamin pa ang ibang suspect pero -- dahil sa teknikalidad hirap pagulungin ang mga hustisya.

Sa pareho rin kasong ‘Canete kidnapping’, banggitin din natin ang correctional system, pagtrato sa jail o kahit sa detainee pa lamang na nakabimbim ang mga kaso. Reklamo ng pamilya Canete, aba’y nakakapag social networking sa loob ng Metro Manila District Jail ang akusadong si Cautiver. sinabi ng pamilya ng biktima at nairekord pa nila na gumagamit pa ng alias na cougar ang akusado bukod pa sa nakakapag facebook ito sa loob ng piitan. 

Hindi lang ang ganitong kaso na tulad na sa ‘Canete kidnapping’ ang may ganitong suliranin, ma­ging sa iba din. May mga insidente pa nga na nakakalabas ang isang nakakulong.

Ilan lang ito sa mabagal na pag usad ng criminal justice system sa bansa na maraming aspetong may impluwensiya ang ibat ibang sektor. Kaya nga masasabing Pinas matagal bago makamit ang tunay na hustisya sa bagal ng imbestigasyon, paglutas sa kaso, pagdinig at paghatol dito.

ATTY ORLANDO SALATANDRE

CANETE

CHIEF INSPECTOR EXEQUIEL CAUTIVER

DASMARINAS CAVITE

DEMOSTHENES CANETE

METRO MANILA DISTRICT JAIL

RENIEL ABUGADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with