^

Punto Mo

‘Swit Fart’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MINSAN, walang anu-ano, ay may makataktak-utak na katanungang ibinato sa akin ang aking ina: Anak, bakit kung kailan nasa sitwasyon ka na hindi dapat mapautot, saka naman kumakawala ang simberguenzang utot na ito?

Aba, hindi kaagad ako nakasagot. Parang ang hirap ng question ni Mader. “Bakit, napahiya po ba kayo dahil sa simberguenzang utot?”

“Oo. Kanina ay dumating ang kartero. Nagkataon naman na parang sinusumpong ako ng kabag. Habang iniaabot sa akin ang sulat ay biglang kumawala  ang espiritu ng kabag. Bakit ang utot, kung kailan gusto mong ilihim ay saka naman nag-eeskandalo? Sukat ba namang nagsunod-sunod ang ‘buga’ nitong aking puwet. Parang buga ng tambutso ng lumang motorsiklo. Tatlong sunod-sunod na buga. Ang lakas!”

“Narinig kaya ng kartero?” tanong ko.

“Ano pa? Humagalpak ng tawa sa harapan ko. Para naman mapagtakpan ko ang aking kahihiyan, sinabi ko na lang na—Ay pasensiya po. Ganito talaga kapag matanda na.”

“Okey lang po, sorry ho at napatawa ako,”  sagot ng kartero na hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa labi kahit ang kausap na raw ay yung aming kapitbahay.

Noong mag-syota pa lang kami ng aking mister, iniingatan kong huwag mapautot kapag magkasama kami. Mas mamarapatin kong sumakit ang aking tiyan kaysa mapautot ako sa tabi niya. Siyempre ‘prim and proper’ ang drama. At cute girl ang peg. Wala pa naman akong lusot sa ilong ng taong ‘yun. Ang talas ng pang-amoy!

Ngayong mag-asawa na kami, naanakan na ng dalawang sanggol at 26 na taong nasimsim ang ganda ko’t bango…iba na ang kuwento. Hindi na ako ang prim and proper cute girl na mamarapatin pang sumakit ang tiyan kaysa marinig ang pag-utot. Ngayon…utot kung utot. Sabog kung sabog. Pero minsan, nananaig pa rin ang aking kahinhinan, inililihim ka pa rin paminsan-minsan ang aking pag-utot. Isang araw sa kusina habang nagluluto, napa-utot ako. Malakas. Biglang lumapit ang aking mister sa pinakukuluan kong karne. Binuksan ang kaldero. Tapos nag-comment: “Ang lakas namang kumulo ng karneng ito. Parang…PLOK!”

Humagalpak ako ng tawa. “Ha-ha-ha, sound ‘yun ng utot ko!!!”

“Susmaryosep, akala ko ay kulo ng niluluto mo o sound kapag biglang namatay ang apoy sa stove! Swit…iba na ang sound ng utot mo, pang 50 something na.”

Swit ang tawagan namin sa isa’t isa. Short and Tagalog version ng sweetheart. Sweet pa rin ang aking mister sa kabila ng lahat. Kaya lang  may dagdag nang kantiyaw ang kanyang sweetness. Iba na ang tawag niya sa akin kapag nagte-text: Don’t forget to take your medicine, swit utot. Suggestion ko, sweet fart na lang para sosyal sa pandinig. Magkaganoon pa man, hindi matitinag ng bilyong utot ang aming pagmamahalan. Mas maraming ututan, mas malalim na pagmamahalan. O, ha…kaya n’yo yun?

AKING

AKO

ANAK

ANO

BAKIT

HUMAGALPAK

SHORT AND TAGALOG

SWIT

UTOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with