^

Punto Mo

EDITORYAL - Maraming tutol sa bitay

Pang-masa

IPINAPANUKALA ni Sen. Tito Sotto na ibalik ang parusang kamatayan o bitay sa mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen at ganundin sa mga nagpapakalat ng illegal drugs. Wala na raw kinatatakutan ang mga criminal kaya dapat maibalik ang death penalty. Pero marami na agad ang tutol sa panukala ni Sotto. Hindi raw bitay ang kasagutan sa mga gumagawa ng karumal-dumal. Hindi raw “deterrent” ang pagbabalik ng bitay para mapigil ang paggawa ng krimen.

Maski si President Noynoy Aquino ay hindi rin payag na ibalik ang parusang kamatayan. Kapag daw ang isang tao ay nahatulan na ng kamatayan at naigawad ito, hindi na puwedeng bawiin pa ito. Paano raw kung nagkamali sa paghahatol. Maibabalik pa raw ba ang buhay? Hindi raw perpekto ang justice system sa bansa kaya paano kung may isang inosenteng nahatulan. Dapat daw ireporma ang justice system. Kailangan daw pag-aralang mabuti ang pagbabalik sa parusang kamatayan.

Ang Simbahan ay mahigpit ang pagtutol sa parusang kamatayan. Hindi raw bitay ang solusyon para mapigil ang krimen. Marami na raw bansa ang inaalis ang death penalty at nagsisisi na sila. Kung ang mga bansa ay inaalis na ang parusang kamatayan, hindi na ito dapat pang ibalik sa Pilipinas.

Kung ayon sa Presidente ay hindi perpekto ang justice system sa bansa dapat ay ireporma ito. Atasan din naman niya ang mga alagad ng batas na gawin nang maayos ang trabaho para madaling mahuli ang mga criminal at mga nagpapakalat ng droga. Sa kasalukuyan, talamak ang pagkalat ng droga at ito ang ugat ng mga karumal-dumal na krimen gaya ng panggagahasa at pagpatay. Paigtingin ang police vi-sibility para hindi manaig ang mga criminal.

Madaling sabihin na tutol sa death penalty pero ano ang solusyon para mapigilan ang mga krimen. Titingnan na lamang ang mga ginagahasa at pinapatay?

 

ANG SIMBAHAN

ATASAN

DAPAT

KAILANGAN

KAMATAYAN

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

RAW

TITO SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with