Mga hindi mo pa alam na gamit ng asin
Magbudbod ng asin sa pinanggagalingan ng mga langgam para lumayas ang mga ito.
Budburan ng asin ang mga damo na tumutubo sa garden para mamatay.
Kung may pulgas ang inyong aso, tubig na may kahalong asin ang ipanglinis sa kanilang dog house at blanket. Kung nag-aalala kang may pulgas na kumalat sa inyong carpet, budburan ito ng asin, tapos kuskusin ng brush. Hayaan naroon ang asin ng 12 oras. Saka i-vacuum.
Kung nabasag ang itlog at kumalat ito sa sahig, budburan ito ng asin. Hintayin ang 20 minuto para mabilis itong kakapit sa basahan kapag pinunasan.
Maitim ang ilalim ng plantsa mo? Magbudbod ng asin sa wax paper. Ikuskos nang paulit-ulit dito ang ilalim ng plantsa hanggang sa matanggal ang black or brown spot. Pagkatapos ay kuskusin ng silver polish ang ilalim para kumintab ito na parang bago.
Ibabad ang kandila sa water-salt solution ng isang oras. Maiiwasan ang pagtulo ng kandila kapag ito ay sinindihan.
Kapag nag-iihaw ng karne, ang tendency ng baga ng uling ay lumaki ang apoy kapag natuluan ito ng katas ng taba. Asin ang ibudbod sa baga para mapigilan ang paglaki ng apoy. Mas mainam ito kaysa tubig dahil pinapatay ng tubig ang baga.
Para matanggal ang hapdi ng kagat ng bubuyog, basain ito at lagyan ng asin.
- Latest