EDITORYAL - ‘Wheel of torture’
SA halip na “Wheel of Fortuneâ€, “Wheel of Torture†ang nasa loob ng police intelligence branch sa Biñan, Laguna. Kung sa “Wheel of Fortune†ay pera ang matatanggap ng sinuman, sa “Wheel of Torture†ay suntok, sipa at pagpalo ng bat ang ibibigay ng police officers sa mga suspek na iniimbestigahan nila para umamin sa krimen. Ito ang binulgar ng Commission on Human Rights (CHR) noong Martes. Ayon sa CHR, 41 detainees sa nasabing police facility ang nakaranas ng torture para lang aminin nila ang krimen.
Kakaiba ang pamamaraang ginagawa ng mga pulis para mapaamin ang suspect. Paiikutin ang “Wheel of Torture†at kapag tumapat sa “20 seconds Manny Pacmanâ€, ibig sabihin ay 20 segundo nang walang tigil na suntok ang ibibigay sa suspek. Kapag tumapat sa “30 seconds Paniki†ibig sabihin ay 30 segundo na nakabitin nang patiwarik ang suspek at pagkatapos ay “papaluin ng bat†sa loob ng 30 segundo.
Matindi ang pag-torture na ito. Wala ring ipinagkaiba sa ginawa ng dating police officer na si Insp. Joselito Binayug ng Asuncion Police Community Prescint sa Tondo, ilang taon na ang nakararaan. Nakunan ng video si Binayug habang hinihila ang tali na nakakabit sa ari ng robbery suspect. Umaaring-king ang suspect habang hinihila ni Binayug ang tali. Nasibak sa puwesto si Binayug. Naaresto siya at may nakasampang kaso hanggang sa kasalukuyan.
Sampung pulis naman ang ni-relieved sa puwesto makaraang gumamit ng “Wheel of Torture†ayon pa rin sa CHR. Ang mga pulis ay nakilalang sina Chief Inspector Arnold Formento, SPO2 Bernardino Artisen, SPO1 Alexander Asis, PO3 Freddie Ramos, PO2 Marc Julius Caezar, PO2 Aldwin Tibuc, PO2 Melmar Baybado Viray, PO2 Mateo Cailo, PO2 Renan Galang at PO1 Nelson Caribo.
Panibagong batik na naman sa PNP ang pangyaÂyaring ito. Hindi katanggap-tanggap na para mapaamin ang mga suspek ay idadaan sa matinding pagpapahirap. Nadurog na ang diktadurya sa bansang ito subalit mayroon pa palang mga kampon na natitira. Nararapat magkaroon ng pagsisiyasat ang pamunuan ng PNP para matiyak na wala nang pagpapahirap na ginagawa para mapaamin ang mga suspek.
- Latest