^

Punto Mo

Kamangha-manghang paglanding ng 2 eroplano

- Arnel Medina - Pang-masa

NAGLANDING SA KAPWA EROPLANO – Noong 2008, dalawang eroplano ang nagkapatong habang lumalanding sa Northwest Regional Airport sa Roanoke, Texas. Wala namang nasaktan sa aksidente pero napinsala nang malaki ang parehong eroplano.

Napag-alaman na ang mga piloto ng dalawang eroplano ay magkapitbahay at nag-uusap sa radio bago mangyari ang crash.

Dahil magkaibigan parehong ang impression nila ay magbigay sa isa’t isa sa paglanding. Pero parehong mali sapagkat naglanding ang isa sa ibabaw ng isa pa.

Kabilang sa mga nasira ay ang propellers ng bawat eroplano. ---www.oddee.com--

• • • • • •

NAGLANDING SA BEACH --- Kamakailan, natakot ang mga taong naliligo sa Martins Bay beach sa Auckland nang biglang mag-landing doon ang isang eroplano. Sa kabutihang palad wala namang namatay o nasaktan sa may daan-daang tao na nasa beach habang isinasagawa ang sand-castle competition. Hindi rin naman nasaktan ang dalawang pilot.

Humanga naman ang Civil Aviation Authority sa dalawang piloto sapagkat nagawa nilang maka-landing sa beach na walang nadamay na mga tao.

Ayon sa dalawang piloto, nagka-engine trouble ang eroplano mga 3 kilometro ang layo sa beach.

Sabi ng mga tao sa beach, parang nagdaan sa ulo nila ang eroplano at saka lumanding sa di-kalayuan sa kanila.

 â€“www.oddee.com—

AYON

BEACH

CIVIL AVIATION AUTHORITY

DAHIL

EROPLANO

HUMANGA

MARTINS BAY

NORTHWEST REGIONAL AIRPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with