^

Punto Mo

EDITORYAL - Bitay sa foreign drug traders

Pang-masa

MALAKING problema ang illegal drugs. Mara-ming kabataan ang nasisira ang kinabukasan dahil sa pagkagumon sa bawal na droga. Sa kasalukuyan, ang metamphetamine hydrochloride o shabu ang ginagamit ng mga kabataan. Madaling makabili ng shabu kaya parami nang parami ang nagiging addict. Utak ang naaapektuhan ng mga sugapa sa shabu.

Madaling makapasok sa bansa ang mga foreign drug trader dahil na rin sa kaluwagan ng batas sa Immigration. Wala nang gaanong pagberipika sa pagkatao ng mga pumapasok na dayuhan. Matutuklasan na lamang na miyembro ng drug syndicate ang dayuhan at nagmi-maintain ng shabu laboratory. Dati, sa mga apartment na nasa subdibisyon nagluluto ng shabu ang mga dayuhan pero ngayon, sa mga condominium na nagma-manufacture ng shabu. Noong nakaraang linggo, sinalakay ng PDEA ang isang condo unit sa Global City Taguig at Makati at nakakumpiska nang malaking halaga ng shabu. Ayon sa PDEA, maaaring nakapasok na sa bansa ang drug syndicate sa Mexico. Nakakumpiska rin ng shabu sa isang farm sa Lipa, Batangas kamakailan na ayon sa mga awtoridad ay konektado sa Mexican drug syndicate.

Marami nang dayuhan na nahuli dahil sa pagpapasok ng illegal na droga sa bansa at lahat sila ay pawang nasa kulungan. Karamihan  ay mga miyembro ng African drug syndicate. Ilan sa kanila ay nilulunok ang droga (heroine) para lang maipuslit pero nahuhuli rin.

Isang panukalang batas (House Bill 1213) ang isinusulong ngayon sa Kongreso, Ito ay ang pagbitay sa mga dayuhang drug trader. Pawang dayuhan lang ang bibitayin. Ang panukalang batas ay inihain nina Cagayan de Oro Reps. Rufus at Maximo Rodriguez.

Dapat pag-aralan at ipasa ang batas na ito. Ito ang kasagutan sa lumalalang drug problem sa bansa. Pero kung bibitayin ang mga dayuhan, dapat pati mga Pinoy na lalabag sa batas ay bitayin na rin. Pantay-pantay dapat ang pagpapataw ng batas.

AYON

DRUG

GLOBAL CITY TAGUIG

HOUSE BILL

MADALING

MAXIMO RODRIGUEZ

ORO REPS

SHABU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with