^

Punto Mo

Canadian writer, nag-inject ng steroids para may maisulat na nobela

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG mahusay na nobelista ang Canadian na si Craig Davidson. Para umano may maisulat na magandang nobela, nag-eksperimento siya --- nag-inject siya ng illegal steroids. Sa loob ng 16 na linggo ay ginawa iyon ni Davidson. Ang akala ni Davidson, walang epekto sa kanyang katawan. Subalit nagkamali siya sapagkat naramdaman at nakita niya ang mga pagbabago sa kanyang katawan.

Nadeporma ang kanyang mga suso. Lumaki ang kanyang mga utong at ang balat ay numipis na parang sa balloon. Ang kanyang balat ay namaga.

Isang umaga, napansin niya na nalalagas ang kanyang buhok. Napansin din niya nalalagas ang kanyang buhok sa braso at binti. Napansin din niya ang pag-urong ng kanyang mga bayag. At nang sumunod na araw, umurong na ito nang labis na halos wala nang makita.

Nakita rin niya ang pagkakaroon niya ng bubble (singlaki ng sibuyas) sa kanyang balat. Nang masahehin niya ang bubble ay dumikit ito nang buung-buo sa kanyang hintuturo.

Sumunod na araw, namaga ang kanyang prostate dahilan para hindi siya makaihi.

Hanggang sa mapansin niya pumayat nang labis ang kanyang mga binti. Parang toothpick ang mga ito kung titingnan.

Naospital si Davidson. Nang isailalim sa blood tests, nakita na ang kanyang atay ay napinsala na. Nakita rin ang pagkasira ng kanyang lower spine, lumaki ang prostate at nagkaroon ng tubig sa kaliwang binti.

Hindi naman sinabi kung ano ang isusulat na nobela ni Davidson makaraan ang pagtake ng steroid na nakasira sa kanyang katawan. ---www.oddee.com—

 

CRAIG DAVIDSON

DAVIDSON

HANGGANG

ISANG

KANYANG

LUMAKI

NAKITA

NANG

NAPANSIN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with