^

Punto Mo

Illegal drug tutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sangkaterbang shabu na naman ang nasamsam no-ong nakalipas na Biyernes ng mga awtoridad. 

Aba’y hindi birong 272 kilo ng mataas na uri ng shabu na nagkakahalaga ng P1.3 billion ang nasabat sa Parañaque.
Nakalagay sa sako na itinago sa kahoy na kahon ang ganun na lamang ay ibinibiyahe sa lansangan sa Metro Manila papunta raw Cavite.
Bagamat hindi inuugnay sa sinasabing pinakamalaking drug syndicate, ang Sinaloa drug group na umano’ y nakapasok na bansa posible umanong sa Chinese drug syndicate kabilang ang mga ito.

Dalawang Filipino-Chinese at dalawang Pinoy ang naaresto ng mga awtoridad.

Mukhang paborito na talagang destinasyon ng mga drug syndicate ang Pinas. Ganito na rin kalalakas ang loob ng mga ito na ibiyahe nang ganun-ganun lang ang ganitong karaming ilegal na droga.

Dapat talagang matutukan ng mga kinauukulan ang pagkalat ng ilegal drugs na posibleng siya nang ugat sa dumarami na namang karumal-dumal na krimen na nagaganap. 
Noon lang nakaraan na linggo halos magkasunod ang insidente ng rape slay  sa dalawang paslit. 

Yung sa Maynila, isang 6- anyos at yung sa Cavite 10- anyos naman na talagang grabeng pahirap ang tinamo sa mga salarin. 

Magang-maga ang mukha ng bata dahil sa palo at binigti  pa ng mga taong hinihinalang bangag sa droga.

Hindi lang yan marami pa ang krimeng maiuugnay dahil sa illegal drugs.

Talamak na rin ang paglaganap nito maging sa mga bata. Mistulang parang kendi na lamang na nabibili sa kung saan saan.

Nakakaalarma na talaga namang dapat na mabigyan nang masusimg pansin ng pamahalaan.

Baka nalilibang tayo sa ibat- ibang isyu at hindi napapansin ang pamamayagpag ng ilegal na dtoga.

Dapat din na mabigat na parusa ang maipataw saga taong sangkot sa aktibidades na ito, hindi lang isa o dalawang buhay ang winawasak ng mga ito kundi marami at baka dumami pa.

Dapat na itong masupil hanggat maaga.

vuukle comment

BAGAMAT

BIYERNES

CAVITE

DALAWANG FILIPINO-CHINESE

DAPAT

GANITO

MAGANG

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with