Uok (44)
“KAHIT sa sakayan ng jeepney ay ihatid mo siya, Drew. Madilim na,†sabi ng daddy ni Drew.
Hindi na nakatanggi si Gab.
“Aalis na po ako. SalaÂmat po uli, Sir.’’
“Sige Gab.’’
Lumabas na ang dalawa.
Habang naglalakad patungo sa sakayan ay walang tigil sa pagtatanong si Drew. Gusto niyang makakuha ng inpormasyon dito.
“Bakit hindi ka nagbakasyon nitong nakaraang semestral break?â€
“Ayaw ni Daddy. Delikado raw.’’
“Alam mo bang giba na ang bahay n’yo sa probinsiya?â€
Nagulat si Gab.
“Giba na?â€
“O kita mo at nagulat ka. Hindi mo alam?â€
“Walang nasasabi si Daddy. Hindi kasi siya masalita.’’
“Giba na. As in dinaanan ng bagyo.’’
“Talaga?â€
“Nagulat nga ako nang makita na giba na.’’
“Kaya pala ayaw akong papuntahin doon. Pero walang sinasabi si daddy.’’
“Tatayuan kaya ng baÂgong bahay kaya pinagiba?â€
“Hindi ko alam. Hindi ako nagtatanong kay Daddy.’’
“Mabuti nga bago giniba ay nakita ni Tiyo Iluminado ang kuwintas. Kung hindi ay baka wala na talaga ang kuwintas mo.’’
“Ipaabot mo ang pasasa-lamat ko kay Tiyo mo.â€
“Sige, sasabihin ko. Iti-text ko sa kanya.’’
“Salamat.’’
“Puwede ko ba makuha ang cell number mo.’’
Atubili si Gab. Parang ayaw ibigay. Pero binigay din.
“Huwag mong ibibigay sa iba ha?â€
“Oo.’’
Malapit na sila sa terminal ng jeepney.
“Bakit mo nga pala nasabi yung uok, Drew? Ano ba yung uok?â€
Napangiti si Drew.
“Wala nasabi ko lang.â€
“Ano yung uok?â€
“Sumisira ng niyog.â€
“Peste?â€
“Oo. Parang ganun.â€
(Itutuloy)
- Latest