^

Punto Mo

Uok (42)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NAKITA mo ang ku­wintas, Daddy?” ta­nong ni Drew na may halong kasiyahan sa boses.

“Oo. Itinago ko.’’

“Kinabahan ako Daddy. Akala ko, may nagnakaw sa kuwarto ko. Kasi nakakalat ang damit ko sa kama.’’

“May nakapasok na da­ga rito. Iyon kasing labandera natin, dumating at dala ang mga nilabhan. Naiwang bukas ang pinto sa tagiliran. May nakapasok na daga. Doon nagtungo sa kuwarto mo. Hinanap ko kung saan nagtago. Pumasok pala sa cabinet mo. Para makita ko, inalis ko ang mga damit mo. Pag-alis ko ng damit, sumama ang kuwintas at nahulog. Kaya ko nadiskubre na may kuwintas.’’

“Ah kaya pala.”

“Itinago ko ang kuwintas. Mamahalin yun. Saudi gold yun ano?”

“Opo. E anong nangyari sa daga Daddy?”

“Nahuli ko rin at napatay ang buwisit. Ang laki. Pinaghahampas ko ng yantok na gamit ko sa arnis.’’

“Yun palang labandera natin ang salarin kaya nakapasok ang daga.’’

“Sabi ko kasi, huwag iiwanang bukas pagpasok. Pag nainis ako sa labanderang iyon ay papalitan ko. Ilang ulit ko nang pinaalalahanan pero hindi pa rin magtanda. Siguro pagbibigyan ko pa ng isang beses at kapag umulit pa, papalitan ko na.’’

Nakatingin lang si Drew at Gab.

“E Daddy akina ang kuwintas. Kay Gab kasi iyon eh.’’

“Ganun ba. Teka at kukunin ko.’’

Pumasok ito sa room niya. Makaraan ang ilang sandali ay dala na ang kuwintas.

“Eto ba ang kuwintas?’’

“Opo.”

Kinuha ni Drew at ibinigay kay Gab.

“Eto nga ba, Gab?”

“Oo. Eto nga.’’

“Saudi gold ano?” ta­nong ng daddy ni Drew.

“Opo. Regalo po ito sa akin ng daddy ko.”

“Ni Uok?”

Nagtataka si Gab sa si­nabi ni Drew.

“Sinong uok?”

(Itutuloy)

E DADDY

ETO

ITINAGO

KAY GAB

NI UOK

OO

OPO

PAG

PUMASOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with