EDITORYAL - Problema ang illegal drugs
NAKAAALARMA na ang pagkalat ng illegal na droga sa buong bansa. At ang balita, isang noto-rious drug syndicate na tinatawag na Sinaloa ang nag-ooperate na sa bansa. Ang nasabing sindikato ay nagmula sa Mexico at itinuturing na makapangyarihan doon sapagkat kayang hawakan ang mga alagad ng batas at pati mambabatas. Maraming pera dahil kumamal sa illegal na droga. Lahat ay kaya nilang gawin sa Mexico. Pinapatay nila ang mga miyembro na naghuhudas sa kanilang operasyon.
Ang Sinaloa na umano ang nangungunang nag-susuplay ng illegal drugs sa bansa at naungusan na ang African drug syndicate. Mas malawak umano at mas maraming galamay ang Sinaloa at kayang mag-produce ng illegal drugs, particular na ang shabu. Ayon sa mga awtoridad, pitong buwan nang nag-ooperate sa bansa ang Sinaloa.
Noong nakaraang linggo, isang shabu laboratory sa condominium unit sa Bonifacio Global City ang sinalakay ng NBI at nakakumpiska ng shabu, cocaine at ecstacy na nagkakahalaga ng P100 million. Dalawang Filipino-Canadian at isa pang foreigner ang naaresto. Pinaniniwalaang konektado sila sa Sinaloa syndicate.
Noong nakaraang Disyembre, sinalakay ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang shabu lab sa LPL ranch sa Lipa, Batangas. Nakakumpiska ng 84 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P420 million. Tatlong suspects ang naaresto na sinasabing konektado sa Sinaloa syndicate.
Isang shabu lab din sa isang condo sa Makati City at Pamplona, Las Piñas City ang sinalakay noong nakaraang linggo at nakakumpiska nang maraming shabu. Isang African ang naaresto sa Las Piñas raid.
Ang pagkilos ng PNP, NBI at PDEA ay nararaÂpat sa panahong ito. Bago pa makapagparami ng galamay, kailangang putulin na ang mga ito. Mga kabataan ang karaniwang biktima ng droga. Iligtas sila bago pa ganap na masira ang kinabukasan.
- Latest