Madre, nanganak ng baby boy!
ISANG 31-anyos na madre sa Rieti, Italy ang nanganak ng sanggol na lalaki noong Sabado, ayon sa report ni Fiona Keating ng IB Times. Isinugod sa isang ospital ang madre dahil sa matinding pagsakit ng tiyan, iyon pala ay manganganak na siya. Ayon sa madre, hindi umano niya alam na siya ay buntis. Pina-ngalanan ang sanggol ng Francis, kinuha sa kasalukuyang pope. Ang madre ay kabilang sa Little Disciples of Jesus convent na nasa Campomoro, malapit sa siyudad ng Rieti. Ang mga madre sa nasabing religious order ang nagma-manage sa tirahan ng mga matatanda. Mabilis na kumalat ang balita ukol sa madre at nakiusap naman ang mayor ng Riete na si Simone Petrangi sa mga tao at media na bigyan ito ng privacy. Ang siyudad ng Rieti ay may population na 47,700. Marami naman ang nagpadala ng damit at donasyon sa ospital na pina-nganakan ng madre.
“Hindi ko alam na ako ay buntis. Nakaramdam lamang ako nang matinding sakit ng tiyan,†sabi umano ng madre sa Ansa news agency.
Ang mga madre sa nasabing order ay na-shock din sa misteryosong pagbubuntis ng kanilang kasamahan.
Sabi naman ng isang local pastor, naniniwala siya sa madre na hindi nito alam ang pagbubuntis. Hindi umano ito nagsisinungaling.
Sa isang pag-aaral ukol sa reproductive health na nalathala sa British Medical Journal (BMJ), sinabi na isa sa 200 US women ay nanganak na hindi naman nakipag-sex.
Sinabi sa BMJ reports na sa 45 babae sumailalim sa pag-aaral, isa ang nabuntis pero birhen siya.
Ayon pa sa BMJ article ang virgin births o parthenogenesis ay maaaring mangyari sa non-humans dahil sa ‘‘asexual reproductionâ€, kung saan ang paglaki at development ng embryo ay nangyayari kahit walang fertilisation’’.
--(http://ph.news.yahoo.com/)--
- Latest