^

Punto Mo

Ang pinagkakaabalahan ni Mayor Calixto

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH report: May sakla at color games sa peryahan sa harap ng simbahan sa Sto. Niño sa Tondo, Manila. Hindi ko malaman kung bakit pinapayagan ng pari na babuyin ng mga ilegalista ang simbahan niya. Imposibleng hindi nakararating sa kanyang kaalaman ang mga sugal dahil tanaw niya ito at dinudumog ng mga parukyano. Akala ko ba ay ayaw ni Manila Mayor Erap Estrada ng ilegal na sugal? Lumalaganap ang sakla at iba pang sugal sa ilalim ng liderato niya. Di ba Sir Jude?

• • • • • •

Dumarami ang krimen na kinasangkutan ng riding-in-tandem sa Pasay City at mukhang hindi ito nasasawata ng lokal na pulisya. Noong Miyerkules lang, may isang naka-motor na binaril sa ulo ng mga bandang alas 9:30 p.m. sa M. de la Cruz St. Kinabukasan, isang ex-Marine naman ang naitumba sa Sampaguita St., lahat sa barangay ni Borbie. Sa Roxas Blvd., naman may isang nakasakay sa bagong motor na tinutukan at inagaw ang kanyang sasakyan. Hindi na mabilang kung ilang insidente ng riding-in-tandem ang tumirada sa Pasay City at mukhang walang political will si Mayor Tony Calixto na sawatain ito. Kung si Manila Mayor Erap Estrada ay nagmungkahi na i-ban sa mga kalsada ang riding-in-tandem bilang solution sa naturang problema. Si Interior Sec. Mar Roxas naman ay nagsasabing hindi naman lahat ng mga angkas sa motorsiklo ay kriminal. Si Mayor Calixto kaya, ano ang naisip na paraan para supilin ang problema ng riding-in-tandem sa siyudad niya? E di wala, di ba mga kosa? Hehehe! Mukhang abala si Calixto, mga konsehal niya at lokal na pulisya sa pagkakakitaan!

Paano nalulutas ang tumataas na bilang ng riding-in-tandem sa Pasay e abala si Sr. Supt. Florencio Ortilla, hepe ng pulisya, sa pitsa kung ang pag-iikot ng bagman niyang si PO2 William Cajayon, ang gagawing basehan. Para sa kaalaman ni Secretary Roxas, nag-iiyakan ang mga ilegalista sa Pasay dahil abo’t langit ang tara sa kanila ni Cajayon, na gumagamit ng alyas na Wendell. Ang gambling lord nga na si alyas Christian ay hiningan ni Cajayon ng P35,000 weekly kahit namagitan pa si Borbie, na bagyo kay Calixto at sa anak na si Mark. Ewan ko lang kung umubra ang pagka-Doberman ni Cajayon sa mga bangka na sina Ian at Moti. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Pero baka hindi alam ni Cajayon na karamihan sa mga video karera na nakalatag sa Pasay ay mga pulis din ang may-ari? Kapag tinarahan sila ni Cajayon ng abot-langit, eh baka magkabarilan pa sila, di ba mga kosa? Hehehe! Papayag kaya ang mga kapwa niya pulis na mawala ang pandagdag gastos sa kani-kanilang pamilya? Mismo!

Nakalimutan na kaya ni Vice Pres. Jojo Binay si Cajayon? Sinabi ng mga kosa ko na ikinolekta ni Cajayon ang IACAT ni Binay sa mga nightclub at beerhouses sa Metro Manila subalit ni singkong duling, walang nakarating sa kanya. Si Cajayon ay nag-text din sa gambling lords sa Manila para hingan sila ng lingguhang intelihensiya para kay Erap subalit hindi natuloy nang ibulgar ko ang ginawa niya. Hehehe! Matulis talaga sa pitsa si Cajayon pero tatamaan din siya ng kidlat nina Erap at Binay.

Ang kaso naman ni Jerry Sy, 46, ang imported na assassin, na pinalaya ng piskalya dahil sa isang technicality ay pinaimbesigahan na ng Department of Justice (DOJ). Ayon sa mga kosa ko sa social media, ang ugong sa ngayon sa korte sa Pasay ay tumataginting na limang manok o P5 milyon ang dahilan kung bakit napalaya si Sy. Hehehe! Lalabas din ang katotohanan sa isyu ni Sy, kaya huwag muna tayong manghusga, di ba mga kosa? Abangan!

 

vuukle comment

BINAY

BORBIE

CAJAYON

CALIXTO

HEHEHE

MANILA MAYOR ERAP ESTRADA

PASAY

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with