^

Punto Mo

Uok (38)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SASAMA ka sa akin? Sa bahay namin?’’ tanong ni Drew kay Gabriela o Gab. Takang-taka siya. Ngayon lang sila nagkita pero sasama na sa kanya.

“Oo. Gusto ko nang makita ang kuwintas ko. Napaka­gahalaga niyon.’’

“Puwede naman tayong magkita bukas. Dadalhin ko.’’

“Gusto ko ngayon na. Hindi mo lang alam kung gaano kahalaga sa akin ang kuwintas.”

“Kasi may klase pa ako ng ala una. Hanggang alas tres pa ang tapos.’’

“Puwede naman kitang hintayin. Sanay naman akong maghintay.’’

Nag-isip si Drew. Desidido na talaga ang babaing ito na makuha ang kuwintas. Masyadong mahalaga sa kanya.

“Hindi kasi ako puwedeng mag-absent ngayon. Kung puwede sana, uuwi na ako at isasama kita kaso’y may exam kami. Graduating na kasi ako kaya delikadong mag-absent.’’

“Hihintayin nga kita. Kahit gabihin pa ako, basta makuha ko lang ang kuwintas ngayon.’’

“Sige kung ‘yan ang gusto mo. Puwede ka namang maghintay sa lobby ng building namin. O kung gusto mo, sa klase namin. Puwede kang sit-in.”

“Sige sit-in na lang ako. Gus­to ko rin namang may marinig na bago. Political Science ka ba?”

“Oo. Graduating nga ako. Ikaw ba, anong course mo?”

“Sociology. Graduating din ako.’’

“A, kaya pala mahilig ka sa rally.’’

“Paano mo nalaman. Baka military ka ha?”

Nagtawa si Drew. Hindi niya sinabi na nakita na niya ito sa isang rally sa Mendiola. Nagkagulo pa nga.

“Hindi ako military. Mag-aabogado ako kaya PoliSci ang kurso ko.’’

“Paano mo nalamang sumasama ako sa rally?’’

“Di ba may nabanggit ka kanina na sumasama ka sa rally?”

“Sinabi ko ba yun?”

“Malilimutin ka na.’’

“Sorry.’’

“Halika na. Malapit nang mag-ala una. Maki-sit-in ka sa amin.’’

Sumama si Gab. Halatang sanay na sanay na itong makahalubilo sa mga estudyante. Sa likod ito naupo.

Isang classmate na lalaki ni Drew ang nagbiro nang makitang kasama niya si Gab.

“Siyota mo ba yung kasama mo? Ang ganda ah. Kaya lang parang tigasin. Hindi kaya Amasona ‘yan.’’

“Kaibigan ko yan.’’

Napa-ah na lamang ang classmate ni Drew.

Habang nagkaklase, napansin ni Drew na nakikinig si Gab. Mukhang matalino at madaling matuto.

Matapos ang klase, sumama na sa kanya si Gab pauwi. Nag-iisip si Drew kung ano ang sasabihin sa daddy niya kapag nakita si Gab.

(Itutuloy)

AKO

AMASONA

DADALHIN

DREW

OO

PAANO

POLITICAL SCIENCE

PUWEDE

SIGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with