^

Punto Mo

Uok (37)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SORRY kung masyado akong makulit, Gab. Pero gusto talaga kitang makilala. Hindi mo ba ako namumukhaan?” sabi ni Drew habang nagpapaliwanag kay Gabriela o Gab.

“Sorry pero marami kasi akong iniisip noon kaya si-guro hindi kita natandaan.”

“Pero ikaw talaga ang nawalan ng kuwintas?”

“Oo.”

“Kasi, baka nagkakamali ako.’’

“Ako nga yun. Kaya nga natigilan ako nang sabihin mong nasa iyo ang kuwintas.’’

“So ikaw talaga yung may-ari. Paano nawala sa’yo ang kuwintas?”

“Duda ka pa ba?’’

“Sorry gusto ko lang makatiyak.’’

“Nawala yun nang maligo ako. Ipinatong ko sa towel. Nang kunin ko ang towel, may alupihan doon. Nagulat ako at hindi ko namalayan na nahulog ang kuwintas.’’

Napangiti si Drew. Siya nga ang may-ari. Sigurado.

“Teka nga pala kung ikaw ang may-ari, kilala mo ba ang may-ari ng bahay na katabi?”

“Sorry, pero hindi ko kilala. Pangalawang beses ko pa lang nakapunta roon. Pero ayon sa daddy ko, kilala raw niya ang may-ari kaya lang hindi na niya nasabi sa akin.’’

Tama nga.

“Anong pangalan ng daddy mo?”

“Teka, hindi na yata tama yan. Iniimbestigahan  mo na ako. Hindi ka ba military?”

Nagtawa si Drew.

“Mukha ba akong sundalo?”

“Malay ko. Kasi mainit ang sundalo sa mga sumasama sa rally.’’

Nag-isip si Drew. Aktibista kaya ang babaing ito?

“Hindi ka sundalo o espiya?”

“Hindi. Estudyante ako. Political Science. Gradua-ting.’’

“Ah.’’

“Paano ko ibibigay sa iyo ang kuwintas?”

“Sasama ako sa’yo.’’

(Itutuloy)

 

AKO

AKTIBISTA

ANONG

KASI

PAANO

PERO

POLITICAL SCIENCE

TEKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with