‘Ligtas pa ba kami?’
ANG pagpapanatili ng kapayapaan sa ating komunidad ay binabalikat ng mamamayan at ng ating kapulisan.
Araw-araw sa pagbasa mo ng dyaryo, pakikinig ng radyo at pagbukas ng telebisyon walang katapusang mga krimen, hindi pa ba matitigil yan?
Hindi ba kaya ng Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni Director General Allan Purisima na sugpuin ang patayan sa kalye, mga ‘riding in tandem’ na walang habas na mamaril at pumatay dito mismo sa Metro Manila. Mga ‘gun for hire’ na nakakalat, sa murang presyo ay papatay na.
Higpitan ang batas tungkol sa ‘gun control’. Ilan sa kanila ang nagparehistro sa Fire Arms and Explosives Division sa Camp Crame. Sira ba ang ulo nila na gagamit ng baril na matutunton na sila ang may-ari?
Ang dapat dito ay hindi ang mga bagong batas kundi ang pagpapatupad ng mga nandiyan nang mga batas.
Ang ‘loose fire arms’, ano na nangyari sa balak ng PNP na magha-house to house sila, kakatok sa bawat pintuan para sitahin ang mga taong hindi na nagpapa-renew ng lisensiya ng baril?
Maganda lang sa diyaryo ang ‘ningas kogon’. Ang pinakahuling biktima ay ang apo ng komedyante at impersonator na si Willie Nepomuceno. Pinagbabaril habang kumakain ang magkakaibigan sa isang ‘burger stand’ sa Brgy. Marikina Heights.
Marami pang mga krimen ang naitala. Kabilang dito ang pananaksak at panghohostage ng isang lalaki sa kanyang mga kamag-anak kasama ang walong buwang sanggol.
Kaliwa’t kanang holdapan at pangangarnap. Ang pagdukot sa mga bata at diumano’y pagkuha ng mga lamang loob upang ibenta.
Mga menor de edad na nasasangkot sa Cybersex at ang karamihan ay galing sa mga probinsiya na gustong kumita at magtrabaho dito sa Maynila.
Ang kinakatakutang ‘martilyo gang’ na sumalakay sa mga mall na naghasik ng lagim sa mga taong nanduon.
May mga nakuha naman kayong ‘composite sketches’ ng mga suspek bakit hindi ninyo hulihin?
Ang ‘dugo-dugo gang’ na hanggang ngayon marami pa ring nabibiktima.
Ang ‘acetylene gang’ na dumadaan sa mga estero at man hole at bubutas sa ilalim ng mga pawnshops. Magnanakaw ng milyun-milyon at marami pang krimen na hindi na narereport.
Kaya niyo pa bang ipagtanggol ang ating bayan?
Kaya pa ba Director Gen Purisima? Kung hindi bakit hindi ka mag- early retirement at ibigay ang posisyon sa taong mapapatino ang ating lipunan? Lumaki na ang tiyan mo diyan, masyado ka ng naging kampante baka wala ka ng sigla para tugisin ang mga ito.
Takot na ang taong bayan. Gusto naming kami mismo ang mangalaga ng aming sarili, pamilya, ari-arian at komunidad dahil walang gagawa nito na kasing sigasig tulad namin.
Kami ay nangagangarap din ng isang komunidad na kung saan pwede kaming gumala at mamasyal ng walang pangamba o panganib na naghihintay sa amin.
May mga pulis na poprotekta sa oras ng aming pangangailangan at kapag nagkaroon naman ng krimen ay malulutas ito sa lalong madaling panahon.
Masakit mang sabihin, hanggat hindi namin sabihin at nakukuha ang ganitong pakiramdam mula sa mga taong inatasan, wala kaming magagawa kung hindi daanin sa legal, kumpletuhin ang mga papeles at bumili ng armas.
Sinabi ni Vice President Emmanuel Pelaez ng siya ay tambangan sa tapat ng kanyang bahay “General, what is happening to our country?â€
Sa akin naman, ‘Director Purisima what are you doing to our countrymen?’
Ugaliing makinig ng “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn).
Para sa gustong humingi ng tulong medikal, magtungo lamang sa aming tanggapan at magdala ng updated medical abstract.
Pwede niyo rin kaming maging friend sa facebook, I-add lamang ang calvento files/hustisya para sa lahat, Maari din kayong mag-email sa amin para sa inyong problemang legal sa calventofiles@yahoo.com.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.
- Latest