Uok (35)
“KUNG hindi mo nakita ang pera ko, tiyak na nahulog na at napulot na ng iba. Last money ko pa naman ito,†sabi ni Drew habang nakatingin sa babae.
Ang babae naman ay parang walang anuman at tila hindi pansin ang sinabi ni Drew. Kumuha ng isang libro ang babae at binuklat.
Parang suplada yata ang babaing ito, naisip ni Drew. Pero hindi na niya sasaya-ngin ang pagkakataon, kaila-ngang malaman na niya ang pa-ngalan ng babae. Kahit anong mangÂyari, kailangang magkakilala sila.
“A excuse me Miss… ako nga pala si Drew…’’
Tumingin lamang ang babae sa kanya na para bang e ano kung ikaw si Drew. IbiÂnaba ang tingin sa binabasa.
“Alam mo, nagkita na tayo, Miss. Natatandaan kita. Sa probinsiya kita nakita noong summer…’’
Tumingin muli sa kanya ang babae. Sa pagkakataong ito ay may pagtataka na sa ekspresyon ng mukha.
“Kung hindi mo ako natatandaan, ako ay tandang-tanda. Summer noong nakaraang taon…’’
“Excuse me pero hindi ko alam ang sinasabi mo. Nga-yon lang kita nakita. At puwede, hinaan mo ang boses mo at baka may makarinig.’’
Takang-taka si Drew. NagÂmamaang-maangan kaya ang babae. Imposible namang hinÂdi niya matandaan. Maski hinÂdi sila nagkatinginan noon, siyempre, nasulÂyapan din siya kahit paano dahil nagdaan sa tapat nila ni Tiyo Iluminado.
“Yung bahay ng uncle ko sa Mindoro at nasa tapat ng bahay n’yo, Miss…â€â€™
Hindi nag-angat ng pa-ningin ang babae. Nagpatuloy sa pagbabasa.
“Ako nga pala si Drew. Talagang ikaw yun. Hindi ako maaaring magkamali.â€
Pero sa pagkagulat ni Drew ay isinauli ng babae ang libro sa shelf at umalis.
Mabilis lumakad.
Sinundan ni Drew. BaÂÂha-la na. Kailangang makilala niya ang babae.
(Itutuloy)
- Latest