^

Punto Mo

Katotohanan vs. ‘Beauty Myth’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Ang pag-upo ng naka-cross legs ay nagiging dahilan ng varicose veins.

Hindi totoo, ayon kay Dr. Pinski, dermatologist mula sa Chicago. Ang pagtayo sa loob ng maghapon kagaya ng mga ginagawa ng mga saleladies at guwardiya ang isa sa mga dahilan ng varicose veins. Bukod dito, ang iba pang dahilan ay pagbubuntis at kapag tinamaan ang legs ng softball at car door.

Kumakapal at tumitigas lalo ang balahibo kung ito ay inaahit.

Hindi totoo. Kapag nag-aahit ay naiiwan ang base ng bala-hibo. Kung sisilipin sa microscope, ang base ng balahibo ay mas malapad kaysa dulo ng balahibo. Dahil ang base ang naiwan after shaving, ito ang tutubo at hahabang muli kaya magmumukhang mas kumapal at tumigas ang bagong tubong balahibo. Hindi nababago ng pag-aahit ang width at density ng hair.

Nakakadilaw ng kuko ang palagiang pag-aaplay ng cutex.

Medyo totoo pero hindi 100 percent. Ang nakakadilaw ay iyong may kulay na cutex kaya para maiwasan ito, aplayan muna ng colorless nail polish ang kuko at saka pahiran ng may kulay.

Ang pagba-brush ng buhok ng 100 times ay nakaka-kintab ng buhok.

Okey, nakakatulong ang pagba-brush kung ito ay gagawin nang dahan-dahan upang namamasahe ang anit at sandali lang ang gagawing brushing. Pero hindi 100 times, sobrang tagal noon. Makakasira ito ng buhok kaysa makaganda.

Nagpapakapal ng buhok ang beer, kung ito ang ipangbabanlaw pagkatapos mag-shampoo.

Dahil sa naiwang residue ng beer sa buhok, ito ay nagiging matigas at umaangat kaya nagbibigay ng ilusyon na kumapal ang buhok.

 

vuukle comment

BUHOK

BUKOD

DAHIL

DR. PINSKI

KAPAG

KUMAKAPAL

MAKAKASIRA

MEDYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with