Dalagita, ibinenta ang mahabang buhok para maibili ng bahay ang mga magulang
HABANG ginugupit ang mahabang buhok ni Natasha Moraes de Andrade, 12-anyos, taga-Rio de Janiero, Brazil ay pumapatak ang kanyang luha. Matagal niyang inalagaan ang mahabang buhok pero kailangan niyang ipagbili para maibili ng bahay ang kanyang mga magulang. Mahal niya ang kanyang mga magulang at nakahanda siyang magsakripisyo para sa mga ito.
Ang buhok ni Natasha ay may sukat na 1.6 meters. Gumugugol siya ng apat na oras sa paghuhugas nito at isang oras sa pagsusuklay. Dahil napakahaba, maraming hindi magawa si Natasha. Katulad ng paliligo sa beach kasama ang mga kaibigan. Hindi rin siya makapaglaro sapagkat sagabal sa pagtakbo at paglukso ang kanyang buhok.
Sina Natasha ay nakatira sa isang squatters area. Maliit ang kanilang barung-barong at walang bintana. Lagi niyang naririnig ang mga magulang na pangarap ng mga ito na makaÂbili ng isang maayos na bahay.
Hanggang sa ipasya ni Natasha na ipagbili ang buhok. Binayaran siya ng $4,500. Nakabili sila ng isang maayos na bahay at hindi na sa squatters area. Tuwang-tuwa ang kanyang mga magulang.
Nagagawa na ni Natasha ang mga hindi nagagawa noon. Maikli na ang kanyang buhok (40 cm) at madali na niyang nasa-shampoo ngaÂyon. NagpapaÂsaÂlamat siya sa maÂhabang buhok saÂpagkat nabigyan niya ng bahay ang mga magulang.
- Latest