Emergency powers, kasipsipan lang
MADALAS ilako ng ilang mga mambabatas ang tinatawag na emergency poÂwers na maaring ibigay daw kay Pangulong Noynoy AquiÂÂno upang mabilis na lutasin ang problema ngayong kinakaharap tulad sa mataas na singil sa kuryente.
Ang mga ganitong panuÂkala ay maituturing na kasipsipan lang sa Presidente. Kung susuriin ay hindi naman kailangan pa ang emergency powers dahil sapat na ang kaÂsalukuyang taglay ng Presidente upang lutasin ang problema sa bansa.
Minsan na tayong naisahan ng emergency powers nang ipagkaloob noon kay President Fidel Ramos para lutasin ang krisis sa enerhiya sa bansa.
Ang resulta, naabuso ang nasabing emergency powers at sumobra naman ang pagpapahintulot sa independent power producers. Bagamat nagkaroon ng sapat na suplay ng kuryente ay nadehado ang gobyerno at taumbayan dahil napagsamantalahan ng nasabing kompanya.
Ang kasalukuyang problema sa mataas na singil sa kuryente ay madaling lutasin ng Presidente kung talagang magtatrabaho si Energy secretary Jericho Petilla . Pero malabong magkaroon ng kalutasan sa problema dahil mismong si Petilla ay umaamin agad na walang magagawa ang gobyerno. Nag-shutdown ang Malampaya at iba pang power plants kaya napilitan ang Meralco na bumili ng mas mahal na kuryente na ipinasa rin sa kanilang customers na mataas din ang presyo.
Kahit walang emergency powers puwede namang madaliin ang pagtatayo ng power plants para maiwasan ang kakapusan ng kuryente.
* * *
Huwag na sanang magpapabola pa si President Aquino sa ilan niyang Cabinet officials na pawang magaganda ang ini-rereport pero maraming kapalpakan.
Halimbawa ay ang malaking kasinungalingan ni Secretary Petilla na 99 percent na raw naibalik ang kuryente sa mga lugar na tinamaan ni Typhoon Yolanda.
Hanggang ngayon, 5 porsiyento pa lang ang naibalik na suplay ng kuryente, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).
Maging ang publiko ay nabola ni Petilla sa kanyang ka-handaan na magbitiw sa tungkulin. Dapat ay inalam muna ang tunay na kalagayan sa mga lugar na biktima ng Yolanda bago pinagpasyahan ni P-Noy ang resignation letter ni Petilla.
Sa isyu naman nang mataas na singil sa kuryente, kung walang magagawa rito si Petilla, makabubuting lumayas na siya sa puwesto. Hindi na kailangan pa ang mga sinasabing emergency powers para sa Presidente dahil sapat na ang mga kapangyarihan na naaayon sa ating Konstitusyon.
- Latest