Sipilyong kunektado sa internet
NANG una ko itong mabasa, akala ko makakapag-internet sa tulong ng sipilyo. Baliktad pala. Isa lang itong bagong imbentong sipilyo na kunektado sa internet. Ibig sabihin, mamo-monitor dito sa tulong ng internet kung paano nasisipilyo ang ngipin.
Ayon sa naglabasang mga ulat, ipinakilala noong nakaraang linggo sa isang preview event ng Consumer Electronic Show sa Las Vegas sa Amerika ang Kolibree tootbrush. Siyempre, gawa ito ng kompanyang Kolibree na nakabase sa France.
Ayon sa paliwanag ng co-founder ng Kolibree na si Loic Cessot, kasama sa sipilyong ito ang isang sensor na natutukoy kung gaano karaming “tartar†ang natatanggal sa ngipin habang sinisipilyo ito. Nirerekord din nito ang mga bawat galaw sa pagsisipilyo para mamantini ang paraan ng paglilinis dito ng gumagamit ng ganitong gadget. Ipinararating naman ng hi-tech na sipilyo ang nakalap nitong impormasyon sa isang programa (app o application) sa isang smartphone sa pamamagitan ng Bluetooth.
Makakatulong umano ito sa mga magulang para masuri kung nakakapagsipilyong mabuti ang kanilang maliliit na mga anak.
“Kapag gumagamit ka ng normal na toothbrush, hindi mo mababatid kung ano ang nalinis mo. Baka 30 porsiyento lang. Tanging dentista lang ang nakaaalam nito,†sabi pa niya. Sa pamamagitan anya ng Kolibree toothbrush, maipaparating nito sa isang tao kung meron siyang bahagi ng ngipin na hindi nasipilyo o mahirap sipilyuhin.
Maganda ang intensyon ng toothbrush na ito. Ang malaking tanong lang ay kung merong bibili nito sa halagang $99 o $200 (katumbas ng P4,430.24 o P8,949.67).
- Latest