Si Jerry Sy at PO2 William Cajayon
DAPAT arukin ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima ang kaso ni Jerry Sy, 46, na nahulihan ng sangkaterbang baril at explosives sa Resorts World Manila noong nakaraang buwan. Si Sy ay pinakawalan ng fiscal sa prosecutor’s office ng Pasay City sa notorious na dahilan na “release for further investigation†(RFFI). Ang RFFI mga kosa ay bukambibig ng mga fiscal at pulis para kumita sila sa isang kaso. Kung sabagay, ayon sa mga kosa ko, nag-offer na ng P2 milyon ang mga kaibigan ni Sy para sa kanyang kalayaan subalit sa kasamaang palad, nakasuhan siya sa piskalya. Kaya sa piskalya gumawa ng paraan ang mga pulis at imbes na i-swak si Sy sa kulungan dahil non-bailable ang kasong dapat harapin niya e napakawalan pa.
Sinabi ng mga kosa ko na si Sy ay high-roller sa casino at gumagamit ng iba’t ibang pangalan. Nagsangla lang ng relong Rolex si Sy at nang tutubusin na niya, mukhang napag-initan ng pulis-Bulacan at hayun nabugbog na at na-plantingan pa ng mga baril, explosives at iba pa. Tiyak isang technicality lang ang ni-raise ng fiscal na isyu para mapa-release si Sy at siyempre kasabwat nito ang pulis-Pasay, di ba mga kosa?
May kautusan kasi si Purisima na dapat maglutas ang mga pulis ng mga kaso sa hurisdiksiyon nila, kaya hindi magandang halimbawa itong pagpalaya kay Sy, di ba mga kosa? Nakarating na kay Purisima ang hokus-pokus sa kaso ni Sy at sana walisin niya ang lahat ng nasa likod ng pagkaperahan na ito. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ‘yan!
Kung masaya ngayon ang mga pulis na kumita sa kaso ni Sy, ganundin si PO2 William Cajayon, ang tumatayong bagman ni Sr. Supt. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay City police. Nagyabang kasi si Cajayon sa isang lamay na ang lahat ng beerhouse, nightclub at pasugalan sa Pasay ay dadaan sa kanya. Sa pagkaalam ng mga kosa ko, abot-langit kung tumara si Cajayon, kaya iniiwasan siya ng mga ilegalista. Si Cajayon mga kosa ay palaging kasama si alyas Boyer, na kaalyado naman ni Pasay City Mayor Tony Calixto. Hehehe! Malaking sindikato itong nabuo sa Pasay ah, di ba mga kosa? Sana habulin din ni Purisima si Cajayon para mabawasan ang Doberman sa hanay ng PNP. Mismo!
Kung sabagay, sinabi ng mga kosa ko na si Cajayon ay naka-aasign sa Quezon City Police District (QCPD). Naipatapon na siya ni Vice Pres. Jojo Binay sa Mindanao dahil pati Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ay kinokolekta niya ng lingguhang intelihensiya sa mga beerhouse at nightclub sa buong Metro Manila. Nakalimutan na kaya ni Binay si Cajayon? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Para sa kaalaman nina Binay at Purisima, gumamit pa ng alyas na Wendell si Cajayon para mapaglalangan ang mga tumutugis sa kanya. Get’s n’yo Vice Pres. Binay at Gen. Purisima Sirs?
Bago maupo si Ortilla sa Pasay, ang PCP commanders ay may sariling diskarte sa mga ilegal at iba pang pagkakitaan. Subalit dahil sa pakikialam ni Cajayon, aba sobre na lang ang tinatanggap nila bilang weekly allowance. Siyempre, mas mababa na ang pitsa nila, di ba mga kosa? Kaya’t ang tawag sa ngayon ng mga pulis-Pasay kay Ortilla ay “imbudo’’. Kung sabagay, hindi lang sa Pasay natawag si Ortilla na “imbudo†kundi maging noong sa Manila at sa Bacoor, Cavite pa siya naka-assign, di ba mga kosa? Abangan!
- Latest