10 Boksingerong sumikat…Yumaman …at muling bumalik sa paghihirap:
Joe Louis
Record and Accolades : 72-3-0 (57 KOs); Reigning heavyweight champion from 1937 to 1949 EstiÂmated Career Earnings: $4.6 million
Tinawag siyang Brown Bomber. Siya ang boksingerong kinilala bilang honest at hardworking fighter. Sa kanyang 72 professional fights, 3 beses lang siya natalo. Hindi lang siya kinilalang “bayani†sa larangan ng boksing kundi sa pagiging sundalo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit ang dalawang kabayanihang ito ay hindi nagligtas sa kanya sa UTANG. Pagkatapos niyang magsilbi sa US army, utang sa buwis na nagkakahalagang $100,000 ang sumalubong sa kanya. Kahit sabihin pa na kumita siya ng $4 million (na malaki na noong kapahunan niya), ang $800,000 ay napapunta sa kanyang management team at promoter.
Pinasok niya ang sari-saring trabaho para lang may maipambayad sa kanyang mga utang na buwis. Pinasok niya minsan ang pagiging professional wrestler. Sa sobrang awa sa kanya, kahit ang mga dati niyang kalaban sa loob ng ring na sina Max Scmeling at iba pang boksingero ay nagbigay ng pera upang matulungan lang siya sa kanyang problema sa buwis. Namatay siya noong 1981 sa edad na 66.
- Latest