‘Hakutan’
HINDI ka dapat magpadala sa init ng sitwasyon dahil ang apoy na iyong pinakawalan ang maaaring siya ding makapaso sa ‘yo.
“Papa wala na ang washing machine, TV at upuan natin. Kinuha ni Ate Vangie,†bungad ng pitong taong anak ni Bert.
Disyembre 11, 2013…habang nanonood ang dalawang anak ni Robert Lapura o “Bertâ€, 33 taong gulang, isang security guard sa inuupahan nilang kwarto sa Tondo, Manila ay pumasok umano ang may-ari ng bahay na si Vangie Sia.
“Gabi na nung makauwi ako kaya hindi ko na siya nakausap,†pahayag ni Bert. Ayon sa kanya ang CDR King 32-inch flat screen TV ay nagkakahalaga ng Php12,990.00, ang American Home na washing machine naman ay Php3,600.00 at ang isang mono-block ay nagkakahalaga ng Php300.00 bawat isa (Php1,200.00 ang apat). Ang anak niyang pito at tatlong taong gulang ang naiiwan kapag hapon sa kanilang bahay.
“Hiwalay na kami ng ka-live in partner ko. Sa umaga ako ang nag-aalaga sa bunso. Kapag hapon susunduin ko sa eskwelahan ang panganay at siya na ang bahala sa bahay. Nag-iiwan na lang ako ng pagkain,†kwento ni Bert.
Ang upa niya sa bahay ay Php2,800.00 kada buwan. Iba ang bayad sa kuryente at tubig. Aminado si Bert na may balanse pa siya sa may-ari na naging dahilan ng pagbuhat nito sa kanyang mga gamit. Noong buwan ng Oktubre, isang libo ang kulang niya sa upa at hindi naman siya nakabayad para sa buwan ng Nobyembre.
“Nagipit lang ako. Laging napapaliban sa trabaho dahil walang mag-aalaga sa mga anak ko. Nung may kinakasama pa ako nagtutulungan kami sa pagbabantay,†sabi ni Bert.
Kinabukasan, Disyembre 12, 2013 nagpa-blotter si Bert tungkol sa pagkuha sa kanyang mga kasangkapan. Nagharap sila sa Barangay kasama si Kapitan Ivan Trinidad ng Brgy. 236 noong ika-15 ng Disyembre.
“Ang pinag-usapan lang namin dun ay kung kailan ako magbabayad. Hindi nabanggit ang tungkol sa pagkuha ng mga gamit ko,†ayon kay Bert. Sinabi ni Bert na sa Disyembre 20 pa siya makakabayad. Sinagot naman siya ni Vangie na kapag nakabayad siya ng limang libo sa sinabi niyang petsa ay ibabalik ang washing machine. Ang TV at mga upuan ay maiiwan.
“Gusto ko sanang makuha ang mga gamit ko. Siyam na libo at limang daang piso lang ang kailangan kong bayaran sa kanya,†pahayag ni Bert.
PARA SA PATAS na pamamahayag kinapanayam namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) si Vangie Sia.
“Nakaka high blood yang taong yan!†wika ni Vangie. Nagkausap na daw sila sa barangay at nagkaayos doon. Limang libong piso ang ibabayad ni Bert sa kanya para ang maiiwan na lang na balanse ay Php4,500.00. “Pumirma pa siya sa barangay. Pumayag ako hanggang Disyembre 20. Sabi sa akin sa barangay kapag hindi siya sumunod sa napag-usapan mag-report ulit ako sa kanila,†dagdag ni Vangie. Inamin niya din sa amin na talagang pumasok siya sa inuupahang kwarto nina Bert at kinuha niya ang mga nasabing gamit. Ipinaliwanag namin sa kanya na ang kanyang ginawa ay hindi dumaan sa tamang proseso at maaari siyang makasuhan. Bumaba ang tono ng pananalita nitong si Vangie. Kusa niyang sinabi pagkatpos na, “Kung ganun ho pumunta siya dito sa amin at ibabalik ko ang gamit niya,†ayon kay Vangie. Sinabi din naman namin kay Vangie na kung hindi tumupad sa pinag-usapan itong si Bert ay tutulungan namin siya sa pagsasampa ng kaso sa Small Claims Court. Matapos ang naging usapan nila sa radyo nag-antay umano si Bert hanggang ika-19 ng Disyembre 2013 na ibalik ni Vangie ang kanyang mga gamit.
“Nagpaalam na ako sa kanya na aalis na lang ako sa katapusan. Inisip ko kasi na yung makukuha kong pera kinabukasan ang gagamitin ko para makakuha ng bagong matitirhan,†kwento ni Bert. Gabi ng nasabing araw, iniwan umano ang kanyang telebisyon at mga upuan sa labas ng pinto. Kinabukasan dumating si Kapitan Trinidad.
“Sabi ni Kapitan bakit daw hindi ko kinukuha ang TV sa labas. Baka raw magdemanda ako. Sinagot ko naman siya na magdedemanda po ako sir,†wika ni Bert. Nais malaman ni Bert kung anong kaso ba ang maaari niyang isampa laban kay Vangie sa pagkuha sa mga gamit niya. Ito ang dahilan ng paglapit niya sa aming tanggapan.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, lahat ng bagay ay may kaukulang solusyon at may batas tayo na dapat sundin. Mali ang ginawa nilang basta na lang pumasok sa kwarto at kinuha ang mga kagamitan na naroon. Maaari kang sampahan ng ‘Grave Coercion’ dahil sa ginawa mo Vangie. Ang tungkol naman sa hindi pagbabayad ni Bert ng renta sa iyo, maaari mo siyang kasuhan ng ‘Collection of Sum of Money’. Hindi mo pwedeng kunin ang isang bagay at papirmahin siya sa barangay. May tamang paraan para masingil niyo siya. May batas din naman tayo para magprotekta sa katulad mo Vangie na nagpapaupa at hindi binabayaran ng mga nangungupahan.
Naintindihan ko din naman na magnegosyo ng paupahan. Makatagpo ka lamang ng balasubas na ayaw magbayad malaking kawalan ito sa iyong income. Pasalamat ka na lang kung ito’y umalis na hindi kailangan ng pwersahan. Kayong mga barangay huwag din kayong pumayag na magpagamit na panakot para magpaalis ng tao. May tamang proseso na ang tawag dun ay ‘Ejectment case’ baka bandang huli kayo ang makasuhan sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa tanggapan ng barangay affairs. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.
- Latest