10 paraan sa paghawak ng pera (1)
AYON sa mga book author na sina Vic at Avelyn Garcia, may 10 paraan para magtagumpay sa paghawak ng pera.
1. Alamin kung saan nanggagaling ang iyong income. Ang iyong suweldo at income ay hindi pareho. Ang suweldo ay isa lamang sa maraming uri ng income. Ang income ay kahit anong nagpapasok ng pera sa iyo. Alamin ang mga ito para alam mo ang iyong total monthly income.
2. Alam mo kung saan napupunta ang iyong pera. Kung alam mo kung ano ang iyong kinikita at ang iyong pinagkakagastusan, more or less ay may ideya ka na kung magkano ang maaari mong ma-save. Ang depenisyon nina Garcia sa expenses ay ang willingness mong dumulog sa iba upang maresolba ang problema. Kunwari ay nagugutom ka, pupunta ka ba sa fastfood at gagasta ng P100-P150 o mag-iinit na lang ng ulam na nasa ref?
3. Kailangang maniwala na makalalaya ka mula sa pagkakautang. Minsan ang kulang lang sa atin ay pananalig at paniniwala.
4. Dapat mayroon kang financial goals. Ano ba ang mga nais mong makamit sa hinaharap na dapat ay simulan mo ngayon? Halimbawa, mangako kang hindi ka na mangungutang. Dapat ay may goals ka para may pinagtatrabahuhan ka.
5. Dapat planuhing matamo ang mga layunin sa pagkakaroon ng budget. Ang budget ay plano kung saan nababalanse ang income at expenses, ang pumapasok at lumalabas na pera.
May ibinigay na “tatlong piso principles†ang mag-asawang Garcia:
a. Piso yan. Minsan tayo kapag nakakita ng Piso sa lapag, kalsada o nakakapa sa bag at bulsa, madalas ay binabalewala natin ito at sinasabing piso lang iyan. Sabi nila, itrato ang bawat piso na may halaga hindi na piso lang. Sa bawat gastos mo, kahit pa maliit, isipin mo munang maigi kung saan mapupunta ang pera mo dahil piso iyan.
b. Kurot. Sabi nila, kapag may gustong bilhin mula sa ipon, siguruhing kurot lang ang gagawin at hindi dakot. Kapag may nais bilhin dapat gakurot lang ang mababawas sa kaban at huwag uutang! Matutong pigilan ang sarili sa mga luho hanggat hindi pa kalakihan ang naisi-save. (Itutuloy)
- Latest