‘Alagang Pusong Pinoy’
SA pagbantay niya sa kanyang anak na kritikal ang ta-nging narinig niya ay ang tikatik ng relo at mataimtim siyang nagdasal na huwag dumating ang panahon na huminto ito.
“Lahat tumigil ng malaman naming dinapuan si Netnet ng ganitong sakit… ang hirap tanggapin,†ani ng isang ina.
Halos mawalan na ng pag-asa ang inang si Joseline Mendoza, taga Tanza, Navotas City ng madiskubreng may Acute Lymphocytic Leukemia (ALL) ang anak na si Mary Antonette o “Netnetâ€, 8 taong gulang na ngayon.
Nag-iisang anak na babae si Netnet ng mag-asawang Mendoza. Si Joseline ay dating nagtatrabaho sa PLDT Telecommunications habang sa isang ‘cable company’ naman pumapasok ang kanyang mister.
Sa Navotas sa tapat ng pagawaan ng mga barko na lumaki ang kanilang mga anak.
“Kami ang tumira sa bahay ng mga magulang ko. Noon pa man kami na ang tumao dun,†kwento ni Joseline.
Kalagitnaan ng taong 2011, napansin nilang madalas sumakit ang kasukasuhan ni Netnet. Nakitaan daw siya ng sintomas ng sakit na arthritis.
Anim na taong gulang pa lang nun ang anak kaya’t para makatiyak kung anong sakit ba ang dumapo sa bata, sumailalim sa mga ‘laboratories’ si Netnet sa University of Sto. Tomas (UST) Hospital.
Habang hinihintay ang resulta, nakaranas na ng pagdurugo ng ilong si Netnet. Kinabahala ito ng mga doktor. Hinala nila maaring may sakit ito sa dugo kaya’t pina- ‘bone marrow test’ si Netnet.
Dito nalamang meron siyang Leukemia o (ALL)---isang pangkaraniwang kanser sa mga bata. Ito ay uri ng kanser na nakakaapekto sa white blood cells (WBCs) ng ating katawan.
Ang WBCs ang tumutulong sa pagkontra sa impeksyon at pumuprotekta sa mga sakit na maaring dumapo sa ating katawan (immune system).
‘Pag nagkaroon ng kanser sa dugo, dumadami ang bilang ng WBCs na nakakasama sa ‘organ functions’ ng isang tao.
Kapag sobra ang na-produce na lymphoblasts (isang uri ng WBC) dito na magkakaroon ng acute lymphoblastic, or lymphoid, leukemia (ALL).
Kadalasan nasa edad dalawa hanggang walong taon ang apektado ng ganitong uri ng sakit.
Kinailangang sumailalim ni Netnet sa chemotherapy. Naging mahirap nung una kay Netnet na tanggapin ang kanyang karamdaman.
Kinailangan niyang huminto sa pag-aaral. Ganun din si Joseline na umalis na sa kanyang trabaho mula ng magkasakit ang anak.
“Hirap kami… wala na kaming malapitan. May mga magbibigay pero syempre may hangganan din yun,†ani Joseline.
Mula taong 2011, ng magsimula ang programa ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa radyo. Ang programang “PUSONG PINOYâ€, hosted by Atty. Jose Ferdinand Rojas II o “Atty. Joy†with Monique Cristobal lumapit na dito si Joseline para sa chemotherapy ng kanyang anak.
Mahirap ang pinagdaan ng pamilya Mendoza. Nung mga unang ‘cycles’ ng chemotherapy ni Netnet nanghina siya, nagsusuka at sa tindi ng ‘dosage’ ng gamot nalagas ang buhok.
Marami ring pinagbawal kay Netnet habang siya’y sumasailalim sa gamutan.
“Kahit ganun ang sitwasyon hindi kami bumitaw. Nanalig kami…†maramdaming sabi ng ina.
Patuloy ang pagtulong na ginawa ng “PUSONG PINOY†kay Netnet. May pagkakataong sinama ni Joseline si Netnet ng pumunta siya sa aming tanggapan.
Namamaga, maputla at wala pang buhok si Netnet ng aming makita.
Ika-2 ng Desyembre 2013, bumalik sa amin si Netnet. Nagulat kami ng makita naming malago na ang kanyang buhok at masasabing isa na siyang masiglang bata.
Ibinalita sa amin ni Joseline na umaayos na ang kundisyon ni Netnet. Tinigil na ang kanyang chemotherapy at ngayon para kanyang maintenance medicine (chemo drugs) na ang hinihingi niya ng tulong sa amin.
“Maraming salamat po sa walang sawang pagtulong ninyo sa anak ko. Mahigit dalawang taon na rin po…†pahayag ni Joseline.
Nagkaroon rin kami ng pagkakataong makausap itong si Netnet. Nag-iwan ng napakagandang mensahe si Netnet sa mga batang kagaya niyang dumanas ng sakit na leukemia.
“Huwang lang po kayong mawawalan ng pag-asawa. Kumapit lang tayo kay Lord Jesus. Magdasal tayo sa umaga pagising natin at sa gabi magpasalamat tayo. Lagi natin siyang kausapin, siya lang magpapagaling sa atin,†wika ni Netnet.
Kasalukuyang umiinom ng maintenance medicines si Netnet para mabantayan ang kanyang kundisyon at matiyak na wala ng matitirang kanser sa kanyang dugo. Kahilingan ni Netnet patuloy siyang matulungan ng PCSO para sa tuluyan niyang paggaling.
“Maligaya kami dito sa “PUSONG PINOY†dahil maayos na ang lagay ni Netnet. Importante lang na matuloy-tuloy ang oral medicines ng bata at huwag makakalimot magdasal sa Maykapal… Walang sawa kaming tutulong sa mga kagaya niyo, ‘wag kayong mawawalan ng pag-asa,†ani Atty. Joy.
Mapapakinggan ang kabuuan ng pakikipanyam namin kay Joseline at Netnet at iba pang pasyenteng lumapit sa PCSO sa programang “PUSONG PINOY†tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga, sa DWIZ 882 KHZ, AM BAND.
Sa mga gustong lumapit sa “PUSONG PINOY†para sa inyong medical needs magpunta sa 5thfloor CityState Center Bldg. Shaw Blvd. Pasig City. Lunes-Biyernes. Magdala kayo ng kopya ng inyong updated medical abstract.
(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. Maari din kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. O tumawag sa 6387285 / 7104038. Bukas kami Lunes-Biyernes.
Ugaliing makinig ng CALVENTO FILES sa radyo, ang “Hustisya Para Sa Lahat†Lunes-Biyernes, 3:00PM-4:00PM at Sabado 11:00AM-12:00NN. Makinig rin kayo ng programang “PARI KO†tuwing Linggo. Mula 9:30-10:30PM kasama sina Fr. Jojo Buenafe, Fr. Jason Laguerta at Rev. Lucky Acuna. Dito lang sa DWIZ882KHZ, Am Band.
- Latest