^

Punto Mo

Labanos sculpture, Christmas tradition sa Mexico

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA Oaxaca region sa Mexico ay kakaiba ang ginagawa   para sa selebrasyon ng Pasko. Mayroon silang tinatawag na   “La Noche de Rabanos” o ang “Gabi ng mga Labanos”.  Idina-daos ang “Gabi ng mga Labanos” sa pamamagitan ng paglilok o pag-ukit sa malaking labanos na mayroong Christmas theme. Halimbawa ay ang pag-ukit ng Nativity scene sa malaking labanos. Dapat ay may timbang na six pounds ang labanos.

Nagsimula ang tradition na ito 116 na taon na ang nakalilipas. Ginaganap ang taunang labanos sculpture tuwing Disyembre 23. Ang tradisyon na ito ay dinarayo ng mga turista. Mahaba ang pila ng mga tao para lamang masaksihan ang “Gabi ng mga Labanos”.

Sinimulan umano ng Spanish missionaries noong 16th century ang tradisyon. Habang kino-convert ang mga katutubo sa Kristiyanismo, isinali nila ang paglilok sa mga labanos. Ayon sa report, maraming katutubo ang mahusay sa paglilok at naging daan para sumikat ang lugar.

Ang best radish sculpture ay tuma­tanggap nang mala-king premyo.

vuukle comment

AYON

DAPAT

DISYEMBRE

GINAGANAP

HABANG

HALIMBAWA

LA NOCHE

LABANOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with