^

Punto Mo

Pik…pak…boom 2013!

- Tony Calvento - Pang-masa

ILANG oras na lang at magpapaalam na sa atin ang taong 2013.

Dala nito ang lahat ng maganda at malungkot na alaala ng ating buhay, ng ating pamilya at ng ating bayan. Iba’t-ibang karanasan ang nangyari sa atin, iba’t ibang istorya ang nagkaroon tayo.

Ang ating bansa ay binugbog, lalu na nung huling bahagi ng taon ng lindol, gera, baha na wala tayong magagawa kundi tanggapin na lamang at umasa na ang ating gobierno ay maging mas lalong handa para maiwasan ang bilang ng mga biktima matapos ang bawat trahedya.

Niyanig din tayo ng korupsyon kung saan ang mga pinagkakatiwalaan nating mga opisyales na halal ng bayan ang nasangkot sa bilyon-bilyong pisong halaga ng pangungulimbat. Naglabasan ang mga ‘whistle blowers’ na ilang taong nakipagsabwatan sa mga mandarambong at ng magipit na dun lamang sisigaw. Itong taong ito nakita ang kauna-unahang pagkakataon kung paano ang isang Punong Mahistrado ng Korte Suprema na si Renato ‘CJ’ korona ay napatalsik sa isang ‘Impeachment Trial’ na matapos ang ilang buwan lumabas ang alingasngas na ilan sa mga senador na bumoto para mapatalsik ito ay ginamtipalaan umano ng mula 100 milyon at ang iba pa ay umabot sa 500 milyong piso.

Ibinasura na rin ang PDAF sa pag-asang mahinto ang korupsyon at maibalik sa ‘tuwid na daan’ ang mga pilit na sumisira sa layon na ito. Nagkaroon tayo ng eleksyon kung saan tatlo lamang sa labing dalawang pwesto para sa pagkasenador ang nakuha ng oposisyon. Kinuba tayo ng patuloy na pagtaas ng bilihin at ang isa sa esensyal na ginagamit natin sa bawat bahay na LPG ay lumobo ang presyo. Mga sakuna sa lansangan na kumitil ng daang buhay, dahil sa mga lasing sa alak at droga na mga drayber, mga bus na parang eroplano na nag ‘take-off’ mula sa ‘skyway’.

Meron ding mga sandaling kinang para sa ating bayan. Ang ating mga Pilipina na likas sa kagandahan ay nanalo nga mga prestihiyosong pandaigdigang ‘Beauty Pageants’. Sa larangan naman ng palakasan ang pagbangon ng ating Pambansang kamao na si Manny Congressman Pacquaio at Nonito Donaire. Ang ating basketball team Gilas Pilipinas ay nagpamalas ng kanilang galing sa Asian Basketball Conference at ang ating team sa ‘football’ ang mga AZKALS na nagdala ng karangalan sa ating lahat.

Marami pang maaring isulat at marami rin sa ating mga gahiganteng mga stasyon sa telebisyon ang gagawin ito sa kani-kanilang ‘year ender’ report sa bayan.

Isa lamang ang aking nais sa huling araw ng taong 2013 sa ating mga kapulisan, lalung-lalo na sa ating Police Director General Alan Purisima, hindi tama na si Dr. Eric Tagle ng Department of Health ang buong sipag na nag-iikot sa ating mga stasyon ng telebisyon upang paalalahanan ang ating mga kababayan na huwag magpaputok ng mag ‘Sinturon ni Hudas, Yolanda o Napoles’.

Napakasimple naman Dir. Gen Purisima, kung nakalusot man sa Bureau of Customs ang mga malalakas na paputok o ang mag gumagawa ng lokal na paputok dahil sa nakabili sa mga mapagsamtalang kawani ng Firearms and Explosives Unit ng PNP, maari naman kayo maglagay ng dalawampung pulis o sabihin na natin na limampung pulis sa lugar na alam natin na regular na napagkukunan ng iligal na paputok.

PREVENTION is always better than CURE. Nakaka-inis ng makita any slang ulit na pagpapakita ng mag putol na daliri, mag kamay na wasak at kung minsan pati mukha napinsala. Dagdagan mo pa ng mga tinamaan ng ligaw na bala mula sa mga iresponsableng mga lasing na nagpapaputok na pataas na sa kanilang kabobohan nila hindi nila maisip na mas nakakapinsala ito kapag pababa na dahil sa hatak ng ‘gravity’. Nakakalumo din naman na ang mga ospital ay ipinakikita na handa na sila at ang kanilang mga gamit ay nakahilera na dahil para sa mga masusugatan.

Maari ba Dir. Gen. Purisima, gawin mo naman na sundin ng ating mga matitigas na ulong kababayan na sundin ang batas sa pamamagitan ng pagpapatupad nito para naman natapos ang taon at merong kang ipagmamalaki. Nakabandera sa isang dyaryo na lantaran at kalat na ang bili ng paputok. Isang testamento na hindi pa ninyo nagagawa ang inyong trabaho.

Ang Pilipino na lugmok sa hirap ay igagastos ang huli niyang pera sa paniniwala na mabubugaw ng putok ang kamalasan at giginhawa o suswertihin sila sa taong darating. Ang tunay na swerte na meron tayo ay andito pa tayo upang salubungin ang bagong taon…2014. Ilagay natin ang ating mga tiwala na andyan ang Panginoon para gabayan at protektahan tayo sa lahat ng panahon at anumang naka-ambang panganib na balakid sa landas ng ating buhay.

Mula sa akin at sa aking buong pamilya, mula sa amin sa CALVENTO FILES dit sa PM (Pang-Masa) at sa PSNgayon at sa aming programa sa radyo ‘Hustisya para sa Lahat’ sa DWIZ882 khz Lunes hanggang Biyernes alas 3:00-4:00pm at pag Sabado alas 11:00-12:00 am, bumabati kami ng isang Manigong Bagong Taon at nawa’y pagpalain tayong lahat ng Panginoog Diyos.

ANG PILIPINO

ASIAN BASKETBALL CONFERENCE

ATING

BEAUTY PAGEANTS

BUREAU OF CUSTOMS

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ERIC TAGLE

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with