53 Ordinaryong Bagay
….pero nagpapa-excite ng kalooban:
Panty na bagong kuha sa sampayan at mainit-init pa mula sa sikat ng araw.
Amoy ng bagong biling leather shoes.
Perang nakalimutan na pero biglang makukuha sa wallet na hindi na ginagamit.
Kakamutin ang napaka-kating tenga gamit ang cotton buds. Parang tutulo ang laway sa sobrang sarap ng feeling.
Masosorpresa na lang na may 20 percent discount pala ang item na nabili habang nagbabayad sa cashier.
Kapag tumatama ng tatlong numbers sa lotto. Nasabi ko tuloy: Lord, ikaw talaga, dinadaan mo ako sa patatlo-tatlong tama. Pinapraktis mo na ako…for a big jackpot!
Last na piraso ng leche flan. Bakit kaya sumasarap ang pagkain kapag paubos na?
Pagkatanggal ng sapatos, ipapatong ang paa sa unan, pagkatapos ng nakapapagod ng shopping sa Quiapo at Divisoria.
Tubig na malamig pagkatapos kumain ng pritong mani.
Basong puno ng yelo, biglang sasalinan ng Pepsi at iyon ang iinumin matapos kumain ng pancit na binudburan ng sukang ma- anghang sa halip na toyo at kalamansi.
Kapag successful sa panggugulat sa aking better half. Mas namumula sa takot, mas masaya.
Si Vice Ganda sa It’s Showtime. Mas nakakatawa siya dahil impromptu dito ang jokes niya.
Pinipigil na pagtawa dahil may magagalit o kaya ay nasa sitwasyong kailangang magpaka-pormal. Mas pinipigil, mas masarap ibunghalit.
Pangungulangot
Kapag nag-tsek ng blood pressure at nalaman kong ito ay 110/65. Tawag ng aking cardiologist, pambagets na blood pressure. Yehey! (Itutuloy)
- Latest