Uok (18)
NAGULAT ang daddy ni Drew nang makita siya.
“Aba mukhang hiyang ka sa probinsiya. Namula-mula ang pisngi mo ah,†sabi habang nakatingin sa kanya.
“Masarap kasi ang tulog ko roon Daddy. Sariwang-sariwa ang hangin. Sa papag ako natutulog. Sariwa rin ang pinakakain sa akin.’’
“E kumusta naman ang pinsan kong si Iluminado? Mabiro pa rin ba? Mabait ang pinsan kong yun pero kapag nagalit, e talo pa ang nagwawalang kalabaw.’’
Nagtawa si Drew.
“Okey naman sila ni Tiya Encarnacion. Nahihiya nga ako dahil lagi nilang inaasikaso ang pagkain ko. Nahihiya raw sila sa akin dahil walang maipakain. Sabi ko naman e sobra-sobra at masarap ang inihahanda nila. Yung adobong labuyo ang pinaka-gusto ko, Daddy. Nagmamantika sa gata ng niyog. Juicy pala ang karne ng labuyo. Maanghang ang luto. Tamang-tama sa bagong saing na kanin. Laging masarap na kanin ang iniluluto nila para sa akin. Ani raw sa kaingin yun.’’
“Masarap nga yun, Drew. Noong bata pa ako nakapag-ani na ako sa kaingin. Mahirap mag-ani. Bawat butil ng palay ay hindi mo hahayaang matapon. Mahirap magsaka.’’
“Sabi po ni Tiyo Iluminado ay dumalaw ka roon. Ang tagal mo na raw hindi umuuwi. Porke raw ba wala ka ng lupa roon e hindi ka na uuwi.’’
“Balak ko nga sana kaya lang e mahirap iwanan ang trabaho ko.’’
“Kahit daw po ilang araw lang. Nasasabik na rin si Tiyo Iluminado na makita ka.’’
“Oo nasasabik na yun na makita ako. Parang magkapatid na kasi kami. Mula kasi nang mamatay ang kapatid niya ay parang nasabik na sa kapatid.’’
“Yun po bang si Tiyo Renato ang kapatid niyang namatay?â€
“Oo. Sabi ay nalunod pero may nagsabing nagpakamatay daw. Hindi ko naman alam dahil nang mangyari yun ay narito na ako sa Maynila.’’
“Nagpakamatay po si Tiyo Renato, Daddy. Ikinuwento po sa akin ni Tiyo Iluminado.’’
“Talagang vibes na kayo. Pati yun ikinuwento. E ano raw ang dahilan at nagpakamatay si Renato?’’
“Na-depressed daw. Nahuli pala ang asawa na may katalik na ibang lalaki. Hindi na nakayanan kaya tumalon sa Ilog ng Pola.’’
“Ah, yun pala.’’
“Ang lalaki raw ay yung si Uok.â€
“Uok? Bakit uok? Naninira ng niyog yun ah.’’
“Yun po ang tawag sa lalaking katalik ng asawa ni Tiyo Renato.’’
Napatango na lang ang daddy ni Drew. Hindi nito alam ang tungkol kay Uok.
BALIK-SCHOOL si Drew. Kapag naglalakad at nakakasalubong ng mga estudyante, iniimadyin na makikita o makakasalubong ang babaing anak ni Uok.
(Itutuloy)
- Latest