^

Punto Mo

‘Landas sa pagbabangon’

- Tony Calvento - Pang-masa

SA pagdaan ng bagyong ‘Yolanda’ sa ating bansa ito ay nag-iwan ng hinagpis at kalungkutan sa ating mga kababayan sa rehiyon ng Eastern Visayas.

Ang pagkawala ng mahal sa buhay, pagkasira ng mga taha­nan at mga paaralan.Walang maaring sisihin…walang dapat sisihin. Ito ay mga sinasabing ‘Act of nature’. Kailangang bumangon at magsimulang muli kung saan tumigil ang lahat bago nangyari ang trahedya. Para sa mga magulang ang magdobleng kayod para kumita. Para sa mga bata ay bumalik sa pag-aaral dahil edukasyon ang pinakamagaling na sandata para makamit ang kanilang mga pangarap.

Upang tulungan sila sa pagbangon at pagbuong muli ng kanilang mga pangarap sa buhay ay nagbigay ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng P2 bilyong pondo para sa pagpapagawa ng mga bagong silid-aralan sa mga pampublikong paaralan sa Visayas at sa ibang probinsya ng region 4. Ayon sa PAGCOR Chairman at CEO Cristino Naguiat, Jr., na libu-libong mga paaralan ang nasira ng bagyo.

“Sinabi ng Department of Education (DepEd) na mahigit kumulang na 40% hanggang 60% ng mga estudyante mula sa mga lugar na lubos na nasalanta ng bagyo ang nagpatuloy na ng kanilang mga klase sa mga pansamantalang mga classroom. Gusto namin bigyan ang mga batang ito ng mga bagong gusaling pampaaralan upang maging disente at kumportable ang mga ito sa pag-aaral. Dahil dito nagbigay ang PAGCOR ng P2 bilyon sa DepEd. Kinakailangan nila ng malaking halaga para sa pagsasagawa ng mga silid-aralan,” wika ni Naguiat.

Ang kasalukuyang ulat ng DepEd ay tinatayang nasa 5,900 na mga classroom sa Visayas at Region 4 ang lubusang nasira ng bagyo habang nasa 14,508 naman ang bahagyang nasira. Ang dalawang bilyong pondo na binigay ng PAGCOR ay gagamitin sa pagsasagawa ng humigit-kumulang 2,000 mga classroom kabilang na sa Palawan at Romblon. Ayon sa ulat ng DepEd sa dalawang lalawigang ito ang lubos na naapektuhang mga paaralan na umabot sa 47 at 26. Ang mga pampublikong paaralan sa Aklan, Capiz, Iloilo, Bogo City, Cebu, Samar, Eastern Samar, Leyte, Ormoc at Tacloban ay lubusang kinakailangan din ng tulong sa pagsasagawa ng mga pasilidad ng paaralan.

“Sa pamamagitan ng paggawa ng aming bahagi sa ‘government’s rehabilitation efforts’, maari kaming  makapagbigay ng pag-asa at tulong sa mga mag-aaral na ngayon ay nagkaklase sa mga pansamantalang silid-aralan. Ito rin ang mga estudyanteng nawalan ng tirahan at mga mahal sa buhay ngunit bumangon at nagpapatuloy sa kanilang buhay.  Para sa ating bansa na tuluyan nang makabangon ay kinakailangan natin na tulungan ang mga survivors lalung-lalo na ang mga bata upang mamuhay ng normal muli,” dagdag pa ni Naguiat.

Sinelyado ng PAGCOR ang P2 bilyong pondo nito sa DepEd sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ni PAGCOR Chairman Naguiat at DepEd Secretary Bro. Armin Luistro nung ika-20 ng Disyembre, 2013. Dumalo rin si Secretary Panfilo Lacson upang saksihan ang paglagda sa MOA. Si Lacson ay tinalaga ni pangulong Benigno S. Aquino III bilang Presidential Assistant para sa Rehabilitation and Recovery.

Sa ilalim ng kasunduan, ang PAGCOR ay hindi lamang magbibigay ng pondo gayundin ay tutulong ito sa pagsubaybay sa progreso sa pagsasagawa ng mga silid-aralan sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda. Sa kabilang banda, ang DepEd naman ang hahawak sa lahat ng phases sa pagpapatupad kabilang na ang paghahanda ng mga dokumentong kinakailangan, pagkuha, pagsasagawa, pagsubaybay, pagpapanatili at final inspection. Sinabi ni DepEd secretary Luistro na ang binigay ng PAGCOR na pondo ay ang pinakamalaking donasyong natanggap nila sa ngayon mula sa mga sektor at organisasyong tumutulong sa pagsasagawa ng mga nasirang paaralan.

 â€œIto po yung pinakamalaking bonanza na nakuha ng DepEd na talagang tumutugon sa Yolanda. Noong nakalipas na mga taon, ang PAGCOR – sa pamumuno ni Chairman Naguiat – nakapagtayo ng mga classrooms sa iba’t ibang lugar. Pero itong P2 billion na ito, para talaga sa nasalanta ng Yolanda,” wika ni Luistro. Dagdag pa ni Luistro na kinakailangan nila ng P4 na bilyon para lang sa pagsasagawa nito at sinabing, “ang dalawang bilyon ay kalahati na ng pondong kailangan namin para makapagtayo ng humigit 5,000 silid-aralan. Kahit na malakas ang Yolanda, kaya nating malagpasan basta’t nagtu-tulungan.”

Ang gagawin ng DepEd ay ang earthquake at typhoon resistance na mga classroom na may bubong na kaya ang maximum na lakas ng hangin na hindi baba sa 250 kilometro bawat oras. Ayon sa talaan ang bagyong Yolanda ay merong ‘average strength’ na 314 kilometro bawat oras. Dagdag pa niya na sa 2014 ay sisimulan na nila ang pagproseso ng bidding at pagkuha ng mga materyales sa paggawa. Sa ngayon, nasa P5 bilyong pondo ang nilaan ng PAGCOR para sa pagsasagawa ng mga classroom sa buong bansa. Maaalalang nagbigay na ang ahensya ng P1 bilyon sa DepEd at P2 bilyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagpapatupad ng proyekto ng ahensya na “Matuwid na Daan sa Silid-Aralan”.

Mula sa P5 bilyong pondo ang PAGCOR at ang DepEd ay naglalayong makapagbuo ng libu-libong classroom sa buong bansa. Nasa 588 na mga silid-aralan na sa 105 na lugar ang natapos na sa ilalim ng proyektong ito. Ilan sa mga ito ay kasalukuyan ng ginagawa at ang iba ay ipoproseso na. (KINALAP NI CARLA CALWIT) Sa gustong dumulog para sa inyong problemang legal, ang aming numero 09213784392/09213263166/ 09198972854. Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038.  Maari rin kayong pumunta sa 5th floor CityState Centre bldg. 709 Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami mula Lunes-Biyernes 9:00 AM-5PM.

AYON

CHAIRMAN NAGUIAT

DEPED

LUISTRO

PAGCOR

PARA

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with