^

Punto Mo

100 Tips: Life, People & Happiness (Round 2)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

81. Kung lagi mong ipinagdidiinan sa kapamilya na huwag kang pakialaman dahil “matured” ka na, malaki ang tsansa na hindi totoo yun.

82. Hindi makatulog? Para antukin, titigan ang picture ng mga taong sarap na sarap sa pagtulog.

83. Sikaping maging maayos ang ugali sa lahat ng tao, sa lahat ng oras para kapag may maninira sa iyo, walang maniniwala sa kanila.

84. Huwag mamili sa supermarket nang nagugutom. Ang epekto nito ay pagbili ng mga bagay na hindi mo kailangan.

85. Bago ka ma-stress sa isang sitwasyon : Tanungin mo muna ang iyong sarili kung after 5 years ay magbibigay pa rin ito sa iyo ng sama ng loob. Kung ang sagot ay HINDI, walang dahilan para ka ma-stress.

86. Kung alam mong mahaba ang iyong biyahe at ikaw ang magmamaneho ng sasakyan, magbaon sa bulsa ng siling labuyo. Ito ang nguyain kapag dina-dalaw ka ng antok.

87. Nakakatanggal ng lungkot at stress ang pagpapa-manicure at pedicure.

88. Nakakatanggal ng nunal, warts at skin tag ang apple cider vinegar.

89. Mas mabilis makatanggal ng anghang sa bibig ang pag-inom ng yogurt. Mas mabilis itong makatanggal kaysa gatas.

90. Kung gusto mong matanggal ang plema na nakabara sa iyong lalamunan na nakapagpapaubo sa iyo, kamutin mo ang butas ng iyong tenga.

 

HUWAG

IYO

IYONG

KUNG

MONG

NAKAKATANGGAL

SIKAPING

TANUNGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with