EDITORYAL - Nasa ‘lungga ng mga buwaya’
SABI ng bagong upo na Customs chief John Phillip Sevilla, noong una ay wala siyang alam sa mga nangyayari sa Customs bagama’t mayroon na siyang naririnig ukol dito. Pero ngayong siya na ang namumuno sa Customs, alam na niya. Kumbinsido na siya na talagang talamak ang katiwalian sa Customs. Marami raw nagti-text sa kanya ukol sa mga nangyayari sa Customs. Inilarawan pa ni Sevilla na may mga taga-Customs na may “apat na sungay†at “dalawang buntotâ€.
Madaling malaman ang mga sinabi ng Customs chief. Demonyo ang may sungay at buntot. Pero mas madali sanang maintindihan kung sinabi ni Sevilla na ang Customs ay “tahanan†o “lungga ng mga buwayaâ€. Noon pa, isa na ang Customs sa mga pinaka-corrupt na ahensiya. Kahanay ng Customs ang DPWH at BIR. Pero sa mga nangyayari ngayon, lumalabas na ang Customs ang pinaka-tiwali sa lahat ng ahensiya. Kaya nang magtalumpati si President Aquino sa kanyang SONA noong Hulyo 2013, walang pigil niyang sinabi na makakapal ang mukha ng mga taga-Customs. Saan daw kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang mga ito. Bilyong piso ang napapalusot dahil sa pagpasok ng smuggled goods. Pati illegal na droga ay walang anumang pumapasok.
Ngayon ay marami na raw alam si Sevilla sa mga nangyayaring katiwalian sa Customs. Kumbinsido na siya na talagang talamak ang corruption. At siguro, mas maganda kung sasabihin ni Sevilla na nasa lungga siya ng mga gutom na buwaya.
Ang hinihintay ngayon ng mamamayan ay ang gagawing reporma ni Sevilla sa pinamumunuang ahensiya. Kailangang may makitang pagbabago rito. Kung walang nagawa si dating Customs chief Ruffy Biazon, dapat may maipakita si Sevilla. Nararapat lipulin niya ang mga buwaya. Kapag nagawa niya ito, hindi siya makakalimutan at sasambit-sambitin ang kanyang pangalan.
- Latest