“MERON pa akong hindi naikukuwento sa’yo ukol kay Uok, Drew. Siguro ay dapat mo ring malaman ito. Ito ang dahilan kung bakit galit na galit ako kay Uok.â€
“Ano po ‘yun Tiyo Iluminado?’’
“Yung isa kong kapatid, si Tiyo Renato mo ay isa sa mga winalanghiya ni Uok.’’
“Tiyo Renato? Di ba patay na si Tiyo Renato. Naikuwento siya sa akin ni Daddy.’’
“Oo patay na nga si Renato. Pero alam mo ba ang dahilan ng kanyang pagkamatay?’’
“Hindi po. Pero sabi ni Daddy, nalunod daw sa Ilog ng Pola?â€
“Oo. Nalunod siya pero kusa talaga siyang tumalon sa nag-aalimpuyong Ilog ng Pola.â€
“Bakit Tiyo Iluminado?â€
“Dahil kay Uok. Sinira rin ni Uok ang buhay ng kapatid kong si Renato.’’
“Pinakialaman din ni Uok ang asawa ni Tiyo Renato?â€
“Oo. Pero kakaiba ang istorya ng kapatid kong si Renato. Ang akala ko kasi, hindi bibigay ang kanyang asawa. Kasi’y alam kong mabuting babae ang asawa niyang si Luningning. Mahinhin si Luningning. Dalagang bukid ba? Hindi aakalain na ang katulad niya ay madadala ng mga boladas ni Uok…’’
Napatangu-tango si Drew habang nagkukuwento si Tiyo Iluminado. Habang nagsasalita ito ay nakikita ni Drew ang mariing pagkagat sa mag bagang na parang nanggigil sa ginawang kahayupan ni Uok sa kapatid na si Renato.
“Kasi itong kapatid kong si Renato ay medyo may pagkabakla. Parang silahis baga. Malambot magsalita at malamÂyang kumilos. Siguro’y yun ang dahilan kaya nagkalaÂkas ng loob si Uok na dagitin at lapangin si Luningning. Yung bahay nina Renato ay nariyan lamang sa may barangay hall. Si Renato ay nagtatrabaho sa munisipyo bilang clerk-typist. Maaga siyang pumapasok sa munisipyo. Mga alas singko pa lamang ay umaalis na siya. Mahirap kasing kumuha ng traysikel. Yun pala pag-alis niya ng bahay ng alas singko, sumasalisi si Uok. Pinaakyat ni Luningning at doon mismo sa kuwarto nagtatalik.
“Minsan, nalimutan ni Renato ang baon para sa tanghalian. Bumalik siya para kunin. Hindi na niya tinawag si Luningning dahil alam niya natutulog pa ito. Madilim pa kasi ang alas singko. Nagtaka siya pag-akyat ng bahay dahil may umuungol sa kanilang kuwarto. Akala niya binabangungot si Luningning. Tinungo niya ang kuwarto para tingnan ang asawa.
“Ganoon na lamang ang pagkagulat niya dahil may nakapatong sa kanyang asawa. Hubo’t hubad ang dalawa. Kaya pala umuungol ang asawa niya.
“Dahil medyo nga may pagkasilahis si Renato, hindi niya nakuhang daluhungin ang walanghiyang si Uok. At sa halip siya pa ang sinuntok. Nagtatakbo palabas si Uok at nawala na. Humingi ng tawad si Luningning pero walang narinig kay Renato.
“Nang bisitahin ko minsan si Renato ay saka niya pinagtapat ang lahat. Ako ang galit na galit. Hinanap ko si Uok at talagang igaganÂti ko si Renato pero hindi ko na nakita. Nasa Maynila na raw.
“Kinabukasan, natagpuan ang katawan ni Renato sa pampang ng Ilog Pola. Patay na. Nagpakamatay. Tumalon sa ilog.
“Iyan ang dahilan kaya galit na galit ako kay Uok. Kaya nga ang paalala ko sa’yo huwag kang poporma sa anak ni Uok. Kahit pa maganda. Sa iba ka na lang pumorma. Malaking kasiraan kapag na-link ka sa pamilya ni Uok.’’
Napatango si Drew. Ngayon ay alam na niya kung bakit tutol si Tiyo Iluminado na makilala ang babaing madalas niyang makitang naliligo sa batalan.
KINABUKASAN, muling inabangan ni Drew ang babae. Wala na. At napansin niya, wala na ring tao sa bahay.
(Itutuloy)