^

Punto Mo

100 Tips: Life, People & Happiness (Round 2)

DIKLAP - Ms. Anne - The Philippine Star

71. Homemade “ointment” para matanggal ang peklat sa mukha dulot ng acne”: 4 kutsarita lemon juice; 2 kutsaritang plain yogurt; 4 kutsarang honey; eggwhite mula sa isang itlog. Haluing mabuti. Linisin muna ang mukha. Ipahid ang ginawa mong “ointment”. Hayaang nakababad sa mukha ng 15 minute. Hilamusan ang mukha ng maligamgam na tubig. Ulitin araw-araw hanggang sa kuminis ang iyong face.

72. Mas “maitim” ang kulay ng alak, mas matindi raw itong maka-hangover.

73. Pantanggal ng sakit ng ulo: Ilublob ang paa at kamay sa maligamgam na tubig. Ipatong sa likod ng ulo (kaya dapat ay nakatungo) ang alinman sa mga sumusunod: ice bag, frozen peas na nasa plastic.

74. Kapag nakakaramdam ng gutom, subukan mo munang uminom ng tubig. Minsan, dehydrated ka lang pala at hindi nagugutom.

75. Para matanggal ang ink sa damit: Pahiran ang ink stain ng white toothpaste. Hayaang matuyo ang toothpaste saka labhan.

76. Sa USA, kapag nakakita ka ng sapatos na nakasabit sa kable ng telepono, ang ibig sabihin noon ay may nagbebentahan ng ipinagbabawal na droga sa tabi-tabi.

77. Ngumuya ng fresh parsley para matanggal ang hiningang amoy bawang.

78. Hatiin ang lemon. Lutuin ito sa microwave oven ng isang minuto. Palamigin ang oven. Maganda itong paraan para maging mabilis matanggal ang mantsa sa oven.

79. Pahiran ng Listerine ang tagihawat upang lumiit at matuyo.

80. Magbalat ng dalanghita para matanggal ang amoy ng sigarilyo sa daliri.

HALUING

HATIIN

HAYAANG

HILAMUSAN

ILUBLOB

IPAHID

IPATONG

KAPAG

PAHIRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with