‘Pang-aasar’
NAGSISIMULA SA masamang tingin. Magkakampi-kampihan. Siraan at kapag lumalala na murahan, sakitan bandang uli demandahan sa Barangay at Korte nauuwi ang lahat. Ang pinagmulan, away kapitbahay.
“Mga put@n6 1n@ ninyo! Ang iingay ninyo!†sigaw umano nito. Sa gitna ng kasiyahan nina Aprilyn “April†Gallo, 31 taong gulang, nakatira sa Pasig City, at nina Marah Dulce Gaa o “Duday†at Ann Margareth noong Mayo 25, 2013 narinig nila ang pagsigaw ni Mang Mario.
“Bumaba kami para harapin ang nagmumura. Nakita namin na si Mang Mario pala yun, kapitbahay namin dati nung dun pa ako nakatira,†kwento ni April.
Hindi nila alam kung bakit nagsisigaw ito gayung hindi naman sila gaanong nakakabulahaw ng mga kapitbahay. Simpleng kwentuhan at tawanan lamang umano ang ginagawa nila habang nag-iinuman sa bahay ni Ann Margareth. Humingi sila dito ng paumanhin ngunit hindi raw nito tinanggap.
“Mang Mario pasensiya na ho kayo kung maingay kami pero huwag naman po kayo magmura sa amin,†pakiusap ni April.
“Ano ba talaga gusto niyo? Mga pu#@n6 1n@ niyo!†wika umano ni Mang Mario.
“T@n6 i#a niyo rin! Pwede naman kayong magsaway ng walang mura!†sagot ni April.
Habang nakikipagsagutan sila kay Mang Mario, siya namang pagdaan ni Josie Lyn Pangan o “Joâ€. Nakaismid daw ito sa kanila at mataas ang tingin sa kanila. Para umano itong natutuwa habang nag-aaway sila ni Mang Mario. Ilang sandali lang ang nakalipas may mga barangay tanod na dumating.
“Akala namin si Mang Mario ang nagpatawag sa mga ito. Hindi kami kaagad sumama at sabi namin susunod na lang kami. Pagkarating namin ng barangay napag-alaman naming si Jo pala ang nagrereklamo,†salaysay ni April.
“Padadampot ko yan! Yan ang gusto kong mangyari,†sabi umano ni Jo. Sinagot ito ng isang barangay tanod, “Pulis ang kaÂilangan mo hindi kami.â€
Kinabukasan sa lupon na sila nagharap. Ilang ulit silang pinag-usap doon ngunit ayaw makipag-ayos ni Jo.
“Pinagmumura ko raw siya at sinabi kong papatayin ko siya,†wika ni April.
Noong Hunyo 20, 2013 nagsampa ng kasong ‘Threat’ si Jo laban kay April at Duday. Ayon sa reklamo ni Jo, “Meron po akong isinampang kaso laban kay Ann Margareth Gonzales (isa sa kasamahan ni April) sa ‘proÂsecutor’ ng Pasig at kasalukuyan kaming naghe-hearing. Noong alas singko ng hapon ng Mayo 25, 2013, nasa bahay po ako ng makatanggap ako ng text mula sa aking kaibigan na si Nerissa Tulalian,†salaysay nito.
May narinig umano si Nerissa mula sa mga akusado na “Apat na buwan na lang yan! Mauuna pa ako sa kaso niya!â€
Alam niya umano na siya ang tinutukoy ng mga ito at doon ay bigla raw siyang pinagmumura ni April. “T@n6 i#@ mo! Akala mo ang ganda-ganda mo! Ang pangit mo naman!†Hindi niya ito pinansin at umupo siya sa may tabi. Nakita niya si Duday na sumilip at sabay sabi sa kanya “Ang pangit,†at sinusundan naman ni Ann Margareth ng “Oo nga ang pangit!â€
“Hindi ko na lang pinansin hanggang sa pag-alis ko sinabihan ako ni April na ‘Jo! Wag kang lilingon! Papatayin kita!’â€
Pumasok ng bahay si Jo at nakita niya umano si Duday na halos tatlong balik sa harapan ng kanyang bahay at sinabihan siyang “T@n6 1#@ mo! Lumabas ka dito! Papatayin kita!â€
Matapos niyang marinig ang sinabi ni Duday ay tumawag siya ng Brgy. Security Force para huÂmingi ng tulong ngunit hindi sumama ang mga akusado ngunit ilang sandali lamang ay nagkusa na ito. Noong Hunyo 22, 2013, nagsumite naman ng salaysay si Nerissa Tulalian sa Pasig Police Station.
Ayon kay Nerissa, nasa tapat umano siya ng kanyang bahay nang marinig niya sina April at Duday na sigaw ng sigaw ng “Hindi ka na aabutin ng apat na buwan kasi mauuna ka pa sa kaso mo! Papatayin ko yang Jigsaw na yan!â€
“Agad kong tinext si Ate Jo dahil alam kong siya ang tinatawag nilang Jigsaw. Maya-maya nakita kong lumabas si Ate Jo mula sa kanyang bahay at doon nakita at narinig kong pinagmumura siya ni April,†salaysay ni Nerissa. Nagkaroon ng pagdinig tungkol sa kaso.
Noont ika-26 ng Setyembre 2013 naglabas ng resolusyon si Asst. City Prosecutor Rey Camilo B. Dumlao II. Nakasaad dito na nakakita sila ng sapat na dahilan para makasuhan ng ‘Unjust Vexation’ ang mga akusado. Ang higit na katanungan dito ay kung ang mga sinabi ba nitong mga akusado ay nakapagdulot ng pagkayamot, pang-iinis, ‘torment’, pagkabalisa at gulo.
Maliwanag na ang mga pahayag na sinabi ng mga akusado ay nakakainsulto at siguradong makapagdudulot ng pagkayamot at pagkabalisa. Habang maaaring totoo na ang mga akusado ay nagbitiw ng mga ‘threatening remarks’ gaya ng “Wag kang lilingon papatayin kita!†na naunahan ng mga pahayag na “Ang pangit mo kala mo ang ganda-ganda mo,†ay hindi mga pagbabanta na nakapaloob sa kasong ‘Grave Threat’. Ito ay dapat bigyang diin na wala sa mga alegasyon sa reklamo na magpapakita na ang complainant ay natakot sa mga ganoong pahayag ng mga akusado. ‘Threats’, napakahalaga dito na mayroong pananakot.
Kasong ‘Unjust Vexation’ ang kasong ihahain laban sa mga akusado. Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni April.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, hindi dapat tayo nagpapadala sa ating galit para hindi tayo nakakapagsalita ng masama sa ating kapwa na pagdating ng panahon ay ating pagsisisihan.
Ang kasong ‘Unjust Vexation’ o pang-aasar, ito ay may katapat na parusa kapag ikaw ay nahatulang dito ang katapat na parusa ng multa mula singkwenta pesos hanggang dalawang daang piso o may pagkakulong ng isa hanggang anim na buwan depende sa desisyon ng hukom. Kung ito naman ay unang beses kang mahahatulan maaari mo nang tanggapin ang hatol at maghain ng ‘probation’ dahil ikaw ay ‘first timer’.
Sandamakmak ang away ng mga magkakapitbahay ang nasa korte na kung tutuusin maaari naman magbigayan at patawaran na lamang. Ang kapitbahay ang unang dadamay sa atin sa oras na tayo’y may problema kung magkasundo kayo. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.
- Latest