Maagang pamumulitika
NAKAKADISMAYA ang ilang pulitiko kahit matagal pa ang 2016 presidential elections ay walang humpay ang birahan. Basta nakakahanap ng butas sa mga posibleng katunggali sa eleksiyon.
Halimbawa ay si Sen. Allan Peter Cayetano na nakahanap ng butas at agad umatake sa mga Binay. Pinaka-kastigo ni Cayetano si Makati mayor Jun Jun Binay sa DILG kung umabuso sa kapangyarihan dahil sa insidente sa Dasmariñas Village kung saan hindi pinayagan ng security guards ang convoy ng mayor kasama ang kapatid na si Sen. Nancy Binay.
Halata ang pamumulitika ni Cayetano dahil napapabalitang kakandidatong presidente sa 2016 at isa sa makakabangga ay si Vice President Jojo Binay na ama ng mayor.
Bukod dito, may namamagitan na ring iringan sa mga Binay dahil sa pag-aagawan sa pagmamay-ari ng Global City na kontrolado ngayon ng Taguig na ang mayor ay asawa ni Cayetano.
Bukod kay Binay, Cayetano at DILG secretary Mar Roxas, mayroon pa sanang lumabas na kandidato para naman mayroon pa tayong ibang pagpipilian sa 2016 presidential elections na karapat-dapat sa puwesto.
***
Habang nalalapit ang 2016 presidential elections lalong nalulugmok ang popularidad ng sinasabing pambato ng administration party na si Roxas.
Sabi ng ilan, tila wala sa guhit ng palad ni Roxas na maging Presidente dahil hindi sa kanya ang pagkakataon. Kung hindi raw nagmadali si Roxas na makuha ang puwesto sa DILG at nanatili muna sa DOTC ay hindi naapektuhan ang popularidad nito. Habang hawak ni Roxas ang DILG ay nangyari naman ang matitinding kalamidad. Kung hindi siya agad nalipat sa DILG ay baka mas malaki ang tsansa niya.
Abangan natin ang magiging performance ni rehabili-tation czar Ping Lacson. Kapag nagtagumpay, maaring siya ang kuning standard bearer ng LP dahil ang importante ay ang pagkapanalo ng kandidato.
- Latest
- Trending