^

Punto Mo

EDITORYAL - Anong aksyon ng DSWD sa mga nagkalat na pulubi?

Pang-masa

HABANG papalapit ang Pasko, pasikip nang pasikip ang trapiko at parami rin nang parami ang mga nagpapalimos sa kalsada. At sa kabila nito, wala namang nakikitang aksiyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Masyado ba silang busy sa pamamahagi ng relief goods sa Tac­loban City at hindi na napagtutuunan ng pansin ang sandamukal na mga namamalimos sa kalye kagaya ng mga Badjao. Hahayaan na lamang bang kumalat-kalat sa kalye ang mga Badjao?

Sa totoo lang, kahit hindi Pasko ay marami nang mga namamalimos na Badjao. Karamihan sa mga namamalimos ay may mga dalang tambol at mga libaging sobre na iniaabot sa mga pasahero.

Karaniwang nasa mga lugar na maraming tao at sasakyan ang mga Badjao. Ilan sa mga lugar na maraming pulubing Badjao ay ang kanto ng Roxas Blvd. at P. Burgos St., Manila, Rizal Avenue cor Carriedo, Laon Laan St., Mayon St. QC, North Avenue, QC, Osmeña Highway, Novaliches (Bayan), QC, EDSA cor. Taft Avenue at marami pang lugar sa Metro Manila. Grupo-grupo sila at tila mayroon nang nakatokang lugar para sa kanilang operasyon.

Ang isang masamang tingnan, marami silang basurang iniiwan sa lugar na kanilang tinitigilan. Sa kanto ng P. Burgos at Roxas Blvd. malapit sa rebulto nina Cory at Ninoy, maraming basurang nakakalat at karamihan ay plastic na supot. Tapon lang sila nang tapon ng kanilang pinagkainan.

Nagbanta naman ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na huhulihin nila ang mga namamalimos na Badjao. Totoo kaya ito? Sana totoo dahil habang papalapit ang Pasko, patuloy sa pagdagsa ang mga Badjao sa Metro Manila.

BADJAO

BURGOS ST.

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

LAON LAAN ST.

MAYON ST.

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PASKO

ROXAS BLVD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with