^

Punto Mo

Magpalit ng Gabinete si P-Noy

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

PATULOY na bumabagsak ang rating ni President Noynoy Aquino dahil sa kapalpakan ng ilang miyembro ng Gabinete at iba pang opisyal ng gobyerno.

Mahigit dalawang taon na lamang ang nalalabi sa termino ni P-Noy kaya makabubuting magpalit na ito ng Cabinet members. Kung mangyayari ito, muling aangat ang popularidad ng Presidente. Kapag mayroong bagong upong opisyal ng gobyerno ay likas na sa taumbayan na bigyan ito ng takdang panahon o ika nga ay “honeymoon period”.

Hindi ko na iisa-isahin ang Cabinet members. Unahin ko na lang ang isa sa mga palpak at ito ay ang DOTC na pinamumunuan ni Secretary Emilio Abaya na sumasaklaw sa LTFRB at LTO gayundin sa mga proyektong mass transportation na kailangang-kailangan ng bansa upang makatulong sa pagsulong ng ekonomiya.

Sa LTO, hanggang ngayon ay problema pa rin ang kawalan ng plaka at stickers ng mga sasakyan na malinaw na kapalpakan.

Sa LTFRB ay hindi rin nito masinop nang husto ang public utility vehicles tulad ng mga bus na nabigyan ng prankisa at abusadong mga operator at drayber.

Napatunayan na naman ng lahat na halos lahat ng departamento ay may kapalpakan at marapat lang na agad palitan ito ng Presidente ang mga namumuno sa bawat ahensiya. Kung hahayaan kasi ito ng Presidente ay lalong babagsak ang kanyang popularidad hanggang sa matapos ang termino sa 2016.

*   *   *

Likas na sa mga Pilipino ang laging positibo ang pananaw sa pagpasok ng Bagong Taon. Sa katunayan batay sa pinaka-latest survey, mayoryang Pilipino ang umaasa pa rin na magiging maganda at maayos ang kalagayan ng ating bansa sa pagpasok ng 2014.

Pero ito ay persepsiyon lamang at kailangang patunayan ito sa gawa ng administrasyon kung saan, dapat iparamdam sa lahat ng mamamayan na talagang mayroong pag-unlad ang ekonomiya at bumubuti ang pamumuhay dahil sa kasalukuyang pagsisikap ng administrasyon.

Sana nga ang mga datos na nagsisilabasan na may kinalaman sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay maramdaman hanggang sa maliliit o pangkaraniwang mamamayan.

vuukle comment

BAGONG TAON

GABINETE

KAPAG

LIKAS

MAHIGIT

PILIPINO

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SECRETARY EMILIO ABAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with