^

Punto Mo

Pagbabalik-tanaw (Part 1)

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

ISANG linggo na lamang at Pasko na. Isang linggo na lamang at 26-anyos na ako. Sa puntong ito, bago ako tuluyang magpaalam sa quarter line mark, nais kong magbalik-tanaw sa major milestones sa aking buhay at ibahagi ang mga aral na natutunan ko.

Taon 2002: Personality Development Workshop or Modeling Workshop. Kapag tinatanong ako kung papaano ako nagsimula sa pag-aartista, ang lagi kong sagot ay sa pagmomodelo. No, hindi ko pinangarap ang maging model. Sa totoo lang, wala sa plano ko ang pasukin ang industriya ng mga kamera. Pero nagsimula ang lahat dahil inenroll ako ng aking nanay sa isang Personality Development Workshop. Pero nalaman ko na lamang pagdating ko roon na modeling pala ang ituturo. Shotgun kumbaga. Wala nang urungan dahil naka-enroll na, nakabayad na at nasa silid na ako. Dito ko natutunan ang pagdadala sa sarili, basic make up, confidence at social manners. Aral: Sundin ang magulang dahil may mabuti kang mapapala.

2003: Unang sabak sa showbiz: Commercial. Bago ako umarte sa telebisyon para sa isang show ay lumanding muna ako ng isang papel sa station ID o official commercial ng GMA 7. “Hello ma? Nandito na po ako sa party” ang mga katagang binitawan ko sa nasabing patalastas. Isang buwan matapos umere ang station ID, isinalang ako bilang isa sa mga bida ng horror-comedy show for kids na pinamagatang Kakabakaba. Aral: Minsan ang bagay na akala mo ay isang minuto lang ang itatagal ay may epektong babaguhin ka panghabambuhay.

2003: Kakabakaba adventures. Sampung taon na mula nang kumbinsihin ako ng aking mga magulang na sumabak sa pag-aartista. Kesyo tuwing Sabado lang naman daw ang taping, at hindi ko kailangang umabsent sa school o na mag-miss ng volleyball training. Pumayag din ako. Di kalaunan, na-enjoy ko nga ang pag-arte. Kahit pa puyat ako sa taping at kailangang dumiretso sa klase, hindi ko ininda. Ang aral: Listen to your parents. They know best.

2004: Ang tamis ng unang pag-ibig. 17 ako ng unang mainlab. At ang relasyong iyon ay tumagal ng halos apat na taon. Sa pamamagitan ng karanasang ito kapiling ang taong iyon ay naranasan ko ang tamis at pait ng pag-ibig, ng pakikisama at pagpapapasok sa buhay mo ng mga taong hindi mo kadugo na may panganib na masaktan ka nila. At dahil ako ay batang-bata pa noon, naranasan ko rin ang magrebelde sa aking mga magulang kapag hindi nasusunod ang mga plano ko at ng nobyo ko. Gayundin, dinanas ko ang pag-ako sa kahihinatnan ng sariling pagpapasya. Maganda man o masaklap. Aral: Makinig sa magulang. Sundin sila. Papunta ka pa lang, nakapagpabalik-balik na sila.

2005: Hakbang. 2005 nang ako ay magtapos ng high school sa University of the Philippines Integra­ted School at pumasok sa Ateneo de Manila University upang doon magkolehiyo. Hindi ako pumasa sa UPCAT at kinulang ako ng .02 sa aking UPG at naisip ko na matapos ang 11 taon bilang Isko, marahil ay panahon na para sa change of environment. Nag-Ateneo ako. Aral: Change can be good.

AKO

ARAL

ISANG

KAKABAKABA

MANILA UNIVERSITY

MODELING WORKSHOP

PERO

PERSONALITY DEVELOPMENT WORKSHOP

SUNDIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with