Russian artist, ipinako ang yagbols sa red square cobblestone, bilang protesta
SI Pyotr Pavlensky, 29, ay isang Russian performance artist. Kilala siya sa dramatic na paraan ng pagpoprotesta sa gobyerno.
Kung anu-ano na ang ginawa niyang paraan para magprotesta at kabilang dito ang pagtahi sa kanyang mga labi. Ginawa iyon ni Pavlensky bilang protesta sa pagbibilanggo sa dalawang babaing miyembro ng Pussy Riot punk band. Nagsagawa ng protesta ang dalawang babae laban sa Kremlin sa loob mismo ng Moscow cathedral noong 2011.
Inaresto na rin siya nang ipulupot sa hubad na katawan ang barbed wire habang nasa harap ng Saint Petersburg government building. Pero ang matinding ginawa ni Pavlensky ay nang ipako niya ang mga yagbols sa mga nakalatag na bato o bricks sa Red Square sa labas ng Lenin’s Mausoleum sa Moscow. Ginawa ni Pavlensky ang pagpako sa kanyang yagbols dahil sa ginagawang paghuli ng Kremlin sa mga nagsasagawa ng demonstrations at mga rally.
Pero hinuli rin si PavÂlensky kahit ipinako ang yagbols. Dinala siya sa ospital para magamot ang ipinakong yagbols. Pagkaraang magamot dinala siya sa police stations.—www.oddee.com—
- Latest