^

Punto Mo

Lalaki sa China, pinutol ang ari dahil hindi makatagpo ng girlfriend

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI raw siya maka­tagpo ng girlfriend kaya ano pa ang silbi ng kanyang pagkalalaki. Ipinasya ng 26 na si Yang Hu, binata at taga-Eastern China na putulin ito.

Masyadong depressed na  si Hu dahil mula nang magtungo sa city para magtrabaho ay hindi pa siya nakakakita ng magi-ging girl­friend. Lalo pang lumiit ang kanyang tsansa na magkasiyota nang ilipat siya sa panggabing shift sa kanyang trabaho. Siya ay nagtatrabaho sa isang clothing factory sa Jiaxing. Mahaba ang oras ng kanyang trabaho at wala nang panahong makapanligaw.

Dahil sa depression, ipi­ nasya niyang putulin na ang “pagkalalaki” dahil wala namang silbi. Kung wala na raw ang kanyang ari hindi na siya mag-iisip pang manligaw.

Subalit makaraang putulin ang ari, nagbago ang pasya niya at nagtungo sa hospital para magpagamot. Gusto rin niyang ikabit muli ang pinutol.

Pagdating sa ospital, sabi ng mga doktor na kunin ang bahaging pinutol. Buma­lik muli si Hu sa bahay at kinuha ang pinutol.

Pero nang dumating siya sa ospital, sabi ng mga doktor ay hindi na puwedeng ikabit dahil naubusan na ng dugo.

Sising-sisi si Hu kung bakit pinutol niya ang ari. Hindi siya dapat nagpadalus-dalos sa pasya. 

www.oddee.com-

 

vuukle comment

BUMA

DAHIL

EASTERN CHINA

HU

IPINASYA

JIAXING

MAHABA

SIYA

YANG HU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with