‘Doble-pasahe modus’
DAGSAAN ang mga biyaherong nagnanais makauwi sa kani-kanilang mga probinsya.
Siksikan na sa mga terminal ng bus na bumibiyahe sa mga malalayong lugar. Ang mga pasahero, nag-uunahan na sa mga espasyo at upuan sa loob ng sasakyan.
Tuwing sumasapit ang “ber months,†pangkaraniwan na ang ganitong senaryo. Bahagi ng kultura ng mga Pinoy ang pagbisita sa kanilang mga kaanak sa malalayong lugar.
Subalit, sa ganito ring mga panahon, maraming nagsusulputang modus. Bida na naman ang mga mapagsamantalang konduktor at drayber.
Naniningil ng sobra sa mga pasaherong pilit nilang ikinakamada sa loob ng sasakyan kesa hodang okupado nang lahat ang mga upuan.
Ang mga desperado at naghahangad namang makauwi sa probinsya, walang ibang opsyon kundi ang makihalo na lang din sa mga bagaheng nakatambak sa gitnang bahagi ng bus o sa daanan.
Bagama’t ganito ang sitwasyon sa buong panahon ng biyahe, ang babayaran ng pasahero, nananatiling doble o mas mataas pa sa regular na pasahe.
Nagkakagulatan nalang kapag singilan na at wala ng panahon pa para umalis sa sasakyan ang pobreng pasahero.
Isa ang Christmas season sa mga mino-monitor ng mga awtoridad taon-taon.
Marami kasi ang mga nasusumpungang hindi sumusunod sa taripang itinalaga at pinagtibay ng mga ahensyang nangangasiwa rito
Sa mandato ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, mahigpit na ipinagbabawal ang biglaang pagtataas ng pamasahe partikular sa mga bus na bumabyahe sa malalayong probinsya.
Isa itong uring pananamantala sa mga pilit pinagsisiksikang pobreng pasahero. Bukod sa hindi na kumbinyente ang sasakyan, hindi pa komportable ang mga nakasakay.
Hindi na bago ang ganitong mga senaryo at insidente sa publiko partikular kapag mayroong mga okasyon, alinsunod sa panahon o mga holiday ng taon.
Hangga’t walang magrereklamo sa ganitong uring modus, patuloy na mamamayagpag ang aktibidades ng mga kolokoy.
Maaaring hindi alam ng mga bus operator ang ganitong raket sa loob ng kanilang bus. Kaya naman, ipinababatid ngayon ng BITAG na lantarang nangyayari ang ganitong aktibidades sakaling magdahilan sila na wala silang alam sa ganitong kalakaran.
- Latest