^

Punto Mo

For Rent… (Last Part)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Paparazzi-for-hire service.

Kung gusto mong maramdaman kung paano ang maging celebrity for a day, kunin mo ang serbisyo ng “fake paparazzi”. Susundan ka nila saan ka man magpunta with matching tutok ng mga camera nilang dala. Kadalasan ay kinukuha ang paparazzi para sa birthday party, gag gifts, parties at wedding. Ang kompanya ay itinayo ni Tanya Cowher, isang commercial and advertising photographer sa Texas.

Baka-for-hire

Isang farmer sa Switzerland na may alagang dairy cows (babaeng­ baka na inaalagaan para gatasan) ang nakaisip na iparenta ang kanyang mga alagang baka. Isang buwang magpapabalik-balik sa farm ang kliyente para maka-experience kung paano inaalagaan at ginagatasan ang baka na may kasamang souvenir pictures sa halagang 80 British Pound. May discount sila sa ipinagbebentang tinapay at cheese.

Rent-a-designer bag

Kaysa gumastos ng hundred thousand sa isang bag na pampasikat lang, puwedeng umarkila ng designer bag (iba’t ibang brand) na mapapasaiyo sa loob ng isang buwan. Ang pangalan ng kompanya ay From Bags to Riches.

Rent-a-celebrity house

Ang isang nagpaparenta ay si Paris Hilton kung saan puwede mong rentahan ang isa nilang mansiyon sa Water Mill New York sa halagang $400,000.

Rent-a-robot

Babae itong robot na parang tunay na tao. Ang skin niya ay gawa sa silicon kaya kapag hinawakan ay parang totoong tao. Maganda ang kanyang mukha at may iba’t ibang facial expression­. Marerentahan siya sa halagang $ 3,500 for 5 days.

BRITISH POUND

FROM BAGS

ISANG

KADALASAN

KAYSA

MAGANDA

PARIS HILTON

TANYA COWHER

WATER MILL NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with