^

Punto Mo

Isang island sa Japan, tahanan nang maraming pusa

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DITO sa Pilipinas, nagkalat sa kalsada ang mga pusang gala. Karamihan sa kanila ay nasasagasaan, mayroong pinapatay dahil sa pagnanakaw ng pagkain sa bahay at mayroong kusang hinuhuli para pag-aralan sa mga medical school. Dito ay balewala ang buhay ng pusa. Masuwerte ang mga pusang inaalagaan ng mga mabubuting tao.

Ang island ng Tashirojima, Japan, ang itinuturing na tahanan ng mga pusa. Ang island ay naging tourist destination dahil sa dami ng mga pusa. Iba’t ibang lahi ng pusa ang naroon. Sinasabing mas marami pa ang mga pusa kaysa sa mga taong naninirahan dito.

Malayang gumagala ang mga pusa sa island na ito at puwede silang magparami nang magparami. Walang sinuman ang maaaring makapanakit sa kanila. Laging tsinitsekap ng veterinarian ang mga pusa. Bawal sa island ang aso para mapangalagaan ang mga pusa.

Itinuturing na suwerte ang mga pusa kaya labis ang pagmamahal sa mga ito.  Nagpagawa roon ng mga bahay na hugis pusa para maging tuluyan ng sinumang bibisita. (www.oddee.com)

 

BAWAL

DITO

ITINUTURING

KARAMIHAN

LAGING

MALAYANG

MASUWERTE

NAGPAGAWA

PUSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with